Pumipintig ang puso sa manggagawa ng pelikula
March 31, 2006 | 12:00am
Marami ang nagsasabing movie workers na dumarating sa tanggapan ng Mowelfund na ganito: Pumanaw na si FPJ, nakakulong naman si President Erap, pero kahit na nga nakakulong ay patuloy pa rin ang personal na suporta sa foundation na kaputol ng kanyang puso sa dakilang adhikain para sa maliliit na manggagawa, na itinatag noong mayor pa siya ng San Juan.
Sino pa ba ang natitirang legend bukod pa kay Mang Dolphy na hindi rin nagpapahuli sa pagtulong sa Mowelfund, eh di ang tatay ni Sen. Bong Revilla di ba?
Pumintig ng malakas ang puso ko nang madinig ko iyan, bungad ni former Sen. Ramon Revilla, Sr. sa kanyang mansion sa Cavite.
Salamat sa dakilang Diyos sa kanyang patnubay at pagpapala, steady na ang pamilya ko, naka-ambag na rin ako ng malaki sa industriya at sa bayan.
"Si Bong ay Senador na utang din niya yan sa pelikula, si Marlon ay namamahala ng Imus Production, si Strike ay director ng PCSO, si Rowena at Andrea are well-married, ang mga apo ko Jolo, Bryan at Ina, nasa TV na.
"Kayat nang lapitan ako ng Mowelfund sa concert nila sa Merks Bar Bistro at nagkataong birthday ni Mareng Boots Anson-Roa na labis kong iginagalang bilang kapareha sa mga pelikula noong araw, hindi ako nag-atubiling maghandog ng P100,000 sa panimula at magbibigay ako ng ganoon ding halaga taun-taon habang nabubuhay ako, pangako iyan.
Hindi rin nagpabaya si Senator Bong Revilla noong nagdaang 32 anibersaryo ng Mowelfund, nag-donate siya ng 20 sako ng bigas at bahagi ng kanyang CDF ay isusuporta niya sa medical aid ng mga members ng foundation.
Maraming pinasasalamatan ang Mowelfund, sina Senators Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile, Lito Lapid, Mayors JV Ejercito, Sonny Belmonte, Lito Atienza at sina Tony Tuviera, Conrad Poe, Richard Merk at iba pa. Chit Arnan Sambile

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended