Mag-uuwi si Mon ng GBP 1,000 at tropeo. Kasama sa kanyang premyo ang dalawang natatanging pagtatanghal sa mga premyadong jazz venue sa London tulad ng The Jagz Ascot at 606 Club.
Si Mon David ay may album sa Isla/Candid Phils. na pinamagatang "Life & Times." Mayron itong 15 tracks. Nominado rin si Mon sa Awit Awards for Best Jazz Recording ("Let Go") at Best Vocal Arrangement (isang Kapampangan song na "Atin Cu Pung Singsing".
Regular na dumadalo si Ms. Leng sa mga film and TV markets sa abroad at maliban sa pagpo-prodyus ng mga palabas, siya ang nag-aasikaso ng promo ng mga pelikula o serye na nabibili niya para sa network, nagpapasalin ng mga palabas sa kanilang English dialogues to Tagalog at ang nagpapa-dub sa mga ito (mayrong 200 voice talents ang ABS CBN na gumagawa ng dubbing) at maging ang pagpili ng mga kanta na gagamitin para ma-localize ito, isang mahirap na trabaho pero ayon sa kanya ay very challenging at masaya at the same time, lalot naghi-hit ang mga canned programs locally.
Darating ang Canadian na gumawa ng malaking pangalan sa Amerika para mag-perform sa Araneta Coliseum ng dalawang gabi (Mayo 14 at 15) para sa kanyang palabas na pinamagatang I Did It My Way, Paul Anka Live in Manila.
Nakalabas na si Anka sa pelikula tulad ng The Longest Day na siya rin ang nag-composed ng theme song. Mga komposisyon din niya ang "My Way" ni Frank Sinatra at "Shes a Lady" ni Tom Jones.
Ikinasal siya sa beauty queen na si Anne de Zogheb sa Paris nung 1963. Mayron silang limang anak na babae at tatlong mga apo.