Polo, miss na miss na si Ara!

Halos hilahin na ni Polo Ravales ang araw para makauwi na si Ara Mina sa Abril 1. Na-miss niya ito ng husto at gusto na niyang makita. Pero tuloy naman ang komunikasyon nila habang nasa Amerika si Ara for a show. March 7 pa nang umalis ang aktres.

Bukod sa pagiging masinop sa pera ay nagustuhan din ng aktor ang pagiging homebody ng actress kung saan hindi ito mahilig sa mga gimikan.
Deadline Ng Screenplay Entries Sa MMFFP, Sa Mayo 15 Na
Inihayag sa paglulunsad ng 2006 Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) sa Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong na ang deadline para sa submission ng screenplay entries para sa taong ito ay sa Mayo 15, 2006 sa ganap na 5PM kaya tinatawagan ng pansin ang lahat ng movie production outfits.

Ipadala ito sa MMFFP Secretariat, 3rd floor, MMDA Bldg., EDSA cor. Orense St. Makati City.

Para sa karagdagang detalye, tumawag lang sa MMFFP Secretariat sa telepono blg. 882-26-26 o sa MMDA trunk line 882-41-51 to 77, local 371.
Iya, Lapitin Ng Multo
Nagsyuting sina Direk Rahyan Carlos kasama ang mga artista ng Pamahiin sa isang haunted house sa Los Arcos sa San Jose del Monte sa Bulacan. Nakaranas sila ng pagmumulto sa set kung saan ang una ay nang may lumabas na imahe ng babae sa kamera, ikalawa nang biglang magsara ang pinto kung saan hindi sila nakalabas ng 15 minutes.

Kahit si Iya Villania ay nakaranas din ng pagmumulto dahil inamin nito na talagang lapitin siya ng multo.

"Nakatulong naman ito para makaarte ako sa mga nakakatakot na eksena na nagampanan ko realistically. Ako lang ang minulto sa cast kaya kailangan pang tumawag ng spirit questor para pakiusapan na sana’y patapusin kami ng shooting at makapagtrabaho ng maayos," anang aktres.
Rommel, May Solo Album Na
Natupad na rin sa wakas ang pangarap ng actor-singer na si Rommel Luna na maging recording artist. May solo album na ito kung saan ang carrier single ay "Baliw na Baliw" at balak niyang i-release through Ivory Records.

Lumabas na rin sa pelikula si Rommel via Lagarista at Virgin People gayundin sa soap operang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Hindi nawawala ang passion nito for music kaya kumakanta sa mga music bar kapag tapos na sa kanyang trabaho. Si Rommel ang may-ari ng RML Express International Courier na naging susi niya para maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Blind Item: Romansa Sa Loob Ng Van
Type pala ng sikat na aktor na ito na maghanap ng mga magagandang bayarang babae sa karatig-lalawigan. Kundi man niya ito madala sa hotel ay nagkakasya na lang itong makaromansa ang natipuhang babae sa kanyang van.

Mahilig siya sa mga sexy at magagandang babae kung saan bumilang na rin ng nobyang aktres pero laging nauuwi sa hiwalayan.

Nali-link ito ngayon sa kasamahang aktres sa isang teleserye. Magaling ang aktor kahit anong role ang gampanan nito.

Show comments