Ang nakakalungkot ng labis sa kanya ay magkaibigan sila ni Gwen at nang tanungin niya ito tungkol dito ay todo deny ito sa isyu. Kampante naman siya sa boyfriend niya na isang Fil-Am at balitang anak ng isang may-ari ng ospital sa Olongapo at tatlong taon na niyang ka-on dahil sinabi nito na wala siyang dapat na ipag-alala dahil "Hindi ko type si Gwen," ang sabi nito sa kanya.
"Gusto ko lamang na liwanagin niya ang lahat dahil mga kaibigan ko ang nagsasabi na totoong gusto niyang agawin ang boyfriend ko. Hindi sila magsisinungaling sa akin, walang dahilan para hindi sila magsabi ng totoo. At kung totoo ngang nagtangka siya ay gusto kong mag-apologize siya sa akin. Sinabi pa rin daw niya na Im out to use her at minaliit niya ang pagsali ko sa Baywalk Bodies," anang 59" beauty na maliit pa ay gusto nang mag-artista. When the opportunity came at in-offer siyang mag-join ng D Baywalk Bodies ay agad siyang pumayag. "Sumasayaw naman akot kumakanta," pagtatanggol niya bagaman at marami ang nagsasabing mas bagay siyang mag-join ng Bb. Pilipinas dahil bukod sa maganda siya, 19 years old pa lamang at mataas ay magaling pa siyang magsalita. Sa Ingles nga namin kinondak ang interview sa kanya. Nag-aaral din siya ng Home & Restaurant International Management sa St. Benilde.
Ang bagong katatayong entertainment place ay tinatawag na Golden Sunset Inn Resort and Spa ay magiging saksi sa isang masayang konsyerto nina Regine Velasquez, Jaya, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jolina Magdangal, Kyla, Karylle, JayR, Gabby Eigenmann, Malik at Dingdong Dantes. Guest ang Sexbomb, Baywalk Bodies, Viva Hotmen, Paolo Paraiso, Justin Cuyugan, Rich Vergara at Luke Mejares. Makikigulo naman ang Gigsters na sina Richard at Raymond Gutierrez, myembro ng StarStruck 1, 2 at 3 at mga artists ng GMA Artist Center.
Nood kayo at manalo ng mga vacation packages sa Golden Sunset courtesy of Ricky Reyes at Boracay courtesy of Dra. Vicki Belo.