Dumating si Joey Marquez pero, di rin nagtagal. Wala itong ibang appointment. Kaya hindi ito nagtagal sa reception dahil dumating sina Kris Aquino at James Yap. Umiwas lang siguro si Joey na silay mapag-usapan ng mga bisita. Mabuti na rin yun para walang mailang sa kanila.
Hindi naitsika kung kasama ni Joey si Alicia Mayer pero, kung totoong break na silay walang rason para magsama pa sila.
Incidentally, balik-pelikula si Joey. Nasa cast siya ng I Wanna Be Happy ng Seiko Films. Sa tagal nang hindi nito gumawa ng pelikula, hindi na namin matandaan kung ano ang kanyang last movie. Ano nga ba?
Girlfriend ni Dennis Trillo na may third eye ang role niya sa Regal Films movie. Siya ang nakakakita ng mga naglipanang multo sa bahay. Ayon kay Iya, eerie raw ang ambiance ng bahay na 50 years nang walang nakatira. Dito rin kinunan ang ilang eksena nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa Hihintayin Kita Sa Langit.
Hindi naniniwala sa pamahiin si Iya pero, may mga sinusunod at pina-praktis siya. Naniniwala siyang unlucky ang number 13 sa kanya. Isa naman sa favorite number niya ay 7 pero, nasa ABS-CBN siya. He-he-he!
Sa apat na natitirang housemates, si Keanna Reeves ang gustong manalo nina Rustom Padilla at Budoy Marabiles. Bukod sa ito ang pinaka-totoong tao kina John Prats, Zanjoe Marudo at Bianca Gonzales, mas kailangan daw nito ng pera para makuha ang mga anak na nasa poder ng kanyang ex-husband.
Si Rustom ngay ikinakampanya si Keanna sa kanyang mga kaibigan. Ang sexy star din ang isa sa mga rason sa desisyon niyang mag-voluntary exit. Mas magiging malaki raw ang tsansa nitong manalo kung mababawasan ang makakalaban.