Sa Sabado (April 1) na ang grand night ng
Pinoy Big Brother Celebrity Edition na gaganapin sa Liwasang Bonifacio (sa harap ng Manila Post Office) kung saan ang apat na natitirang housemates na sina
Bianca Gonzales, Zanjoe Marudo, John Prats at
Keanna Reeves ang maglalaban-laban sa pagiging big winner na makakapag-uwi ng P1-M cash plus other prizes.
Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na merong kumakalat na sex video ng isang male ex-housemate ng unang batch? Dito tuloy nakumpirma ang tunay na gender ng pinagdududahang
PBB ex-housemate.
Sinabi ni
Marian Rivera sa presscon ng
Pamahiin na wala umano siyang karapatang magselos kay
Mark Herras dahil hindi pa naman umano niya ito boyfriend kundi manliligaw pa lang. Kung saka-sakali man daw magkabalikang muli sina Mark at dati nitong girlfriend na si
Jennylyn Mercado ay hindi ito magiging isyu sa kanya. Masasaktan lamang umano siya kung sila na ni Mark tapos manliligaw pa rin ito sa iba.
Ayon kay Marian, matiyaga umano si Mark sa panliligaw sa kanya at willing naman daw itong maghintay.
Ang
Pamahiin ay second movie bale ni Marian. Una siyang ipinakilala sa pelikulang
Enteng Kabisote 2 na pinagbidahan ni
Vic Sotto at naging top grosser sa
2005 Metro Manila Film Festival. Gaano kaya katotoo ang balita na pawang flop umano ang mga concerts lately ng mga Filipino entertainers na dumarayo sa Amerika? Kaya tuloy ang ibang concert producers ay nagdadalawang-isip na kung ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpu-produce ng mga concerts doon na pawang lugi.
May mga mangilan-ngilan lamang na concerts doon ng mga Pinoy ang kumikita pero karamihan daw ay lugi.
Hindi kaya mauwi sa hiwalayan ang relasyon nina
Bianca Gonzales at
Direk Lino Cayetano paglabas ni Bianca sa
PBB house sa darating na Sabado. Obvious naman kasi na tila nadi-develop na rin si Bianca sa kanyang co-housemate na si
Zanjoe Marudo na talagang pursigido na ligawan ang
MUP host.
Sabagay, puwede ring magbago tulad noon ni
Sam Milby na na-in love sa loob ng Bahay ni Kuya kay
Chx Alcala pero nang lumabas si Sam ay hindi na nito halos pansin ang dati niyang kasamahan sa
PBB house.
E-mail: a_amoyo@pimsi.net