Kasama nina Roxanne at Luis ang parents ng dalaga pero, di na umakyat dahil may iniwasan. Sus, pagkatapos tarayan ni Mrs. Barcelo si Luis sa TV at tanungin kung ano ang intention sa anak, heto ang kanilang ending.
Nagkasama pala sa Click sina Roxanne at Luis. Noon pa palay may attraction na sila sa isat isa at ngayon lang nauwi sa ligawan. Sa tanong kay Roxanne kung may pag-asang sagutin niya si Luis, ang sagot nitoy "Sabi niya, hell wait for me."
Ang ganda ng role ni Dion sa GMA Films movie at ganoon din sa pelikula ni Robbie Tan na ngayong Tuesday na ang kanyang shooting. Matutulungan siya ng dalawang pelikula para lalo pang sumikat at magkakaroon ng experience working in other film company. Ang alam namin, sila ni Mike Tan ang pinagpilian ni Robbie sa role na eventually, napunta sa kanya.
"Source ng katatawanan namin ni Erik ang mga manika," kuwento sa amin ni Rita. Tsinika pa nito na pati mga alaga nilang good spirits sa kanilang bahay ay nilalaro rin ang manika nilat minsan, naiiba ang ayos nito.
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang actress na magkaka-anak sila ng asawa. Wala silang balak mag-adopt at ipina-off-the-record nito ang kanilang rason. Pati yung suggestion naming invitro ay napag-usapan nilang mag-asawa but was vetoed at may rason din sila na aming nirerespeto.
Naniwala kami nang sabihin ni Rita na less na ang pain na nadarama niya nang magkaroon siya ng miscarriage dahil malulutong na uli ang kanyang halakhak. Tanggap niyang hindi pa para sa kanila ang nawalang anak at tingin namin, matatanggap din nito kundi na sila magkakaanak.
Kapag napapagod na sa kamo-motivate sa cast na hindi naman nagwo-work, tini-text nito ang kaibigang director. Ano raw ang gagawin niya at minsan, umaabot siya ng take 17 at hindi pa rin perfect ang eksena.
Hindi raw siya nahirapang idirek ang ibang baguhan na dumaan sa kanyang mga kamay pero, itong grupo ay sobrang hirap paartehin. Hulaan nyo kung sino sila?