^

PSN Showbiz

Nakaka-take 17 na di pa rin nakaka-arte!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Tinututukan na nga yata ni Luis Alandy ang panliligaw kay Roxanne Barcelo. Last Saturday, sila ang magkasamang dumalo sa birthday party ni Dinno Erece sa Metro Bar. Sweet at laging magkadikit ang dalawa, tsika ng aming source. Ibig sabihin, wala nang chance si Rico Robles sa dalaga.

Kasama nina Roxanne at Luis ang parents ng dalaga pero, ‘di na umakyat dahil may iniwasan. Sus, pagkatapos tarayan ni Mrs. Barcelo si Luis sa TV at tanungin kung ano ang intention sa anak, heto ang kanilang ending.

Nagkasama pala sa Click sina Roxanne at Luis. Noon pa pala’y may attraction na sila sa isa’t isa at ngayon lang nauwi sa ligawan. Sa tanong kay Roxanne kung may pag-asang sagutin niya si Luis, ang sagot nito’y "Sabi niya, he’ll wait for me."
* * *
Ipinahiram ng GMA Artist Center sa Seiko Films si Dion Ignacio kaya, kasama sila sa pelikulang I Wanna Be Happy. Isusunod ito ng young actor sa Moments of Love na nagkaroon ng successful special screening last March 23 sa Greenbelt Theater at premiere night sa SM Megamall kagabi.

Ang ganda ng role ni Dion sa GMA Films movie at ganoon din sa pelikula ni Robbie Tan na ngayong Tuesday na ang kanyang shooting. Matutulungan siya ng dalawang pelikula para lalo pang sumikat at magkakaroon ng experience working in other film company. Ang alam namin, sila ni Mike Tan ang pinagpilian ni Robbie sa role na eventually, napunta sa kanya.
* * *
Tuloy ang pagka-hilig ni Rita Avila ng mga manika kahit pinag-isipan siyang nasisiraan ng ulo sa pag-aalaga niya ng mga ito. Pinakitaan pa nga kami nito ng kanyang mga litrato kasama ang mga alaga nilang manika ng asawang si Director Erik Reyes. Pati nga sasakyan nito’y puno ng iba’t ibang manika at isinasama niya sa taping ng Agawin Mo Man Ang Lahat.

"Source ng katatawanan namin ni Erik ang mga manika," kuwento sa amin ni Rita. Tsinika pa nito na pati mga alaga nilang good spirits sa kanilang bahay ay nilalaro rin ang manika nila’t minsan, naiiba ang ayos nito.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang actress na magkaka-anak sila ng asawa. Wala silang balak mag-adopt at ipina-off-the-record nito ang kanilang rason. Pati ‘yung suggestion naming invitro ay napag-usapan nilang mag-asawa but was vetoed at may rason din sila na aming nirerespeto.

Naniwala kami nang sabihin ni Rita na less na ang pain na nadarama niya nang magkaroon siya ng miscarriage dahil malulutong na uli ang kanyang halakhak. Tanggap niyang hindi pa para sa kanila ang nawalang anak at tingin namin, matatanggap din nito kundi na sila magkakaanak.
* * *
Natawa kami sa kwento ng isang kaibigan sa director na namroblema sa cast ng dinidirek na TV show. Sumasakit daw ang ulo nito sa kawalan ng acting ng cast na napunta sa kanya. Hindi na nito alam kung anong motivation ang gagawin para ilabas ng mga bata ang kanilang acting talent.

Kapag napapagod na sa kamo-motivate sa cast na hindi naman nagwo-work, tini-text nito ang kaibigang director. Ano raw ang gagawin niya at minsan, umaabot siya ng take 17 at hindi pa rin perfect ang eksena.

Hindi raw siya nahirapang idirek ang ibang baguhan na dumaan sa kanyang mga kamay pero, itong grupo ay sobrang hirap paartehin. Hulaan n’yo kung sino sila?

AGAWIN MO MAN ANG LAHAT

ARTIST CENTER

CENTER

DINNO ERECE

LUIS

NITO

ROXANNE

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with