Marian at Rita, bagong mag-ina

Kung humahanga si Marian Rivera sa kasamang si Rita Avila sa Agawin Mo Man Ang Lahat sa GMA, hindi nakakapagtaka. Subalit ang sabihing humahanga si Rita sa acting ng Caviteñang si Marian, nakakataba sa puso ng baguhan. Mag-ina ang papel ng dalawa sa istoryang Agawin na dinidirek ni Ruel Bayani. May pilat sa mukha si Marian, subalit mahal na mahal pa din ni Oyo Boy Sotto sa nasabing drama series.

"Magaling siyang umarte. Naibibigay niya ang emotion na kailangan sa eksena," kwento ni Rita.

Noong una pa man palang nagkasama sa set ang dalawa, parehong magaan ang dugo nila sa isa’t isa. Humahanga rin kasi si Marian kay Rita bilang isang magaling na actress.

"Di ko nga po akalain, siya pala ang magiging nanay ko," say ni Marian. Napansin kasi ni Direk Ruel, may pagkakahawig ang dalawa, kaya’t naisip gawing mag-ina sa istorya. Parehong slim at tisay at soft spoken din ang dalawa. Natuklasan namin, pareho pala silang may lahing Kastila. At pareho ding nag-iisang anak kaya feeling magkapatid ang dalawa.

"Feeling ko nga, younger sister ko si Marian," sabi ni Rita. No wonder, magkasundo nga ang dalawa.

Maraming nagsasabing masuwerte si Rita. Noong bigyan ng break si Nadine Samonte, naroon din si Rita. At take note, mataas ang rating nila.

Happily married si Rita kahit hindi pa sila pinagkakalooban ng supling. – VIR GONZALES

Show comments