Apat-apat ang bandang kinuha upang mag-provide ng masasayang tugtugin (Shamrock, Parokya Ni Edgar, Kamikazee at ang nag-inarteng Itchyworms na di na nahintay ang oras ng kanilang performance at agad nang umalis.
Dahil ispesyal ang pagdiriwang, ispesyal din ang mga inanyayahang performers Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Robert Seña (umawit during the doxology). Nagsilbi namang mga host sa program sina Edu Manzano at Jeni Hernandez.
Dumating din para makisaya sina Presidential spokesman, Ignacio Bunye, QC Mayor Sonny Belmonte, ang mga talents managers na sina June Torrejon, Girlie Rodis, Douglas Quijano kasama ang mga alaga niyang sina Wendell Ramos, Anjo Yllana, Jomari Yllana, Jeremy Marquez, Andrew Wolfe at ang mga celebrity columnists na sina Kuya Germs at Aster Amoyo.
Para sa okasyon, gumawa ng PSN jingle ang editor in-chief na si Al Pedroche at inareglo ni Christian Martinez. Binigyan buhay din ang mascot na si Brat Pig, isa pa ring creation ni G. Pedroche, na tumulong sa pagbibigay kasiyahan sa pagdiriwang. Meron ding binuong PSN Dancers, binubuo ng mga walong kabataang empleyado ng PSN, na sumayaw sa pagtitipon.
Bahagi ng programa na ginanap sa Luzon, Visayas and Mindanao ballrooms ng Westin Philippine Plaza ay pagkilala sa mga loyal employees ng PSN, ganundin sa mga loyal advertisers and agencies. Bukod sa mga tropeo, tumanggap bawat awardee ng gold bracelet. Lahat ng dumalo sa pagtitipon ay binigyan ng commemorative wristwatches. VRS