2004 pa nang huling mapanood si
Veronica Veron sa mga pelikulang
Batas ng Lansanagn, isang
FPJ starrer, at
Tomagan ni
Jestoni Alarcon. Lumalabas pa rin naman siya ngayon, sa
Daisy Siete pero, hindi na sa pag-arte naka-sentro ang kanyang atensyon ngayon kundi sa lumalago niyang negosyo, ang
VMV Facial & Body Care, na ang ika-anim na branch na matatagpuan sa BF Homes, Parañaque ay binasbasan nung Linggo.
Pansamantalang nawala si Veronica dahil nag-aral siya ng pagpapaganda sa abroad. Pumunta siya ng Europe, Malaysia, Thailand at Hongkong para mag-aral ng latest trend sa pagpapaganda. Ang maganda sa negosyo niya ay siya ang gumagawa ng mga sarili niyang cosmetics, soap, lotions, cream, pressed powder, toner, atbp. Mayron siyang isang magaling na chemist na Pinoy na siyang nagtitimpla ng mga cosmetics na ibinibenta sa kanyang beauty centers. Nagbibigay na rin siya ng franchise at sa halagang P600,000 ay pwedeng nang magsimula ng negosyo na gamit ang kanyang pangalan. Meron siyang mga international team of experts na siyang nagsisilbing mga trainors.
Ni-repackage pala ang self-titled album ni
Nikki Gil na nagtatampok sa "Glowing Inside", isang track sa album na ginagamit nang graduation song ngayon. Ginawan ito ng
EMI Philippines ng minus one track & music video para mas madaling makanta at mapag-aralan ng mga gustong gumamit.
Ito pa rin naman ang awitin na ginagamit sa Vaseline commercial niya.
Isang Kapamilya si
Nikki na mapapanood sa
Studio 23, MYX at kahit na abala siya sa kanyang showbiz career ay hindi pa rin siya nawawala sa honor roll sa kanyang iskwela. Ang "Glowing Inside" ay komposisyon nina
Louie Ocampo at Edith Gallardo. Nagkapirmahan na ng kontrata ang
GMA Network Inc. at ang pamilya ni
Mars Ravelo para sa TV serialization ng
Captain Barbell. Si Mars Ravelo ang lumikha ng napakaraming Pinoy comic book icons tulad ng
Darna. Malapit nang mapanood sa
GMA ang
Captain Barbell na ang gaganap ay si
Richard Gutierrez.