May six month contract sa ABS-CBN si Rico at si Roxanne, ang Star Magic na ang nagma-manage ng career niya. Lagi sana silang pagsamahin sa mga show para lagi silang nagkikitat pareho silang magdusa.
Nag-deny na sina LJ at Alfred sa tsismis sa kanila. Sabi ni Alfred, isang non-showbiz college girl ang dini-date niya at si LJ namay sa studies at career ang focus. Pero, patuloy ang tsismis at may mga binabanggit pang patunay sa amin.
Incidentally, excited at kinakabahan si LJ to be working with director Joel Lamangan sa pelikulang Manay Po. Ayaw na ayaw ng director ng mga nali-late at nag-promise itong laging darating on time. Gagampanan ni LJ ang role ni Gina, girlfriend ni Marky (Mike Tan).
Hanggang April 28 na lang sa ere ang kung tawagin ni director Mark Reyes ay Great Dame of Tele-fantasy at kung umabot pa ito sa May 2, eksaktong isang taon na ito sa ere. Hindi na nga bothered ang director at cast pag bumababa ang rating nila at minsan, natatalo nang katapat na Sa Piling Mo nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. Masaya sila sa rating nito na minsan, pumapalo pa ng 30%. Last Monday nga, umabot sa 35.1% ang rating at mas mataas pa sa pilot ng Majika na nakakuha ng 34.%. -NITZ MIRALLES