Juday, pinag-aawayan na nina Ryan at Piolo

Biggest break ng komedyanang si Pokwang ang pelikulang ‘D Lucky Ones nina Joseph Bitangcol at Sandara Park ng Star Cinema at wala siyang care kung hindi siya ang original choice para sa role niya.

"Pasalamat nga ako at tinanggihan ‘yung role ni Eugene (Domingo) dahil ‘tong role na napunta sa akin, ‘ito yung kay Oge (palayaw ni Eugene). Okey lang kung pang ilan choice ako, basta ang importante, ako ang last choice.

"Ang suwerte ko nga, kasi sa hirap ng buhay ngayon, marami akong blessings at kaya naman pinagbubuti ko kasi naniniwala ako na hindi for life ang showbiz," say ni Pokwang.

At marunong sa pera ang dating Japayuki dahil in less than two years ay naipagawa na niya ang bahay nila sa Antipolo City na dati raw ay hindi mukhang bahay, ngayon daw ay matatawag na talagang bahay ng tao.

"Dati kasi, tsaka at maliit, ngayon, kongkreto na at mukhang tao na talaga ang mga nakatira. Naka-buy na rin ako ng sasakyan, hulugan nga lang, nakapagtabi na rin ako ng konting pera sa bangko na hindi pwedeng galawin kasi para sa anak ko yun," kwento pa niya.

Hapones ang ama ng anak ng komedyanteng aktres at matagal na niya itong hinahanap para makilala ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan at niliwanag niyang wala naman siyang balak humingi ng sustento dahil kaya naman niyang buhayin ang bata.

"Ngayon pa na may trabaho akong maganda, e, dati sa comedy bars lang ako rumaraket. Gusto ko lang makita ng anak ko ang tatay niya," punto ni Pokwang.
* * *
Hindi magandang publicity gimmick kung totoong nagbitaw ng pahayag si Piolo Pascual na isa siya sa dahilan kung bakit nag-aaway ang mag-jowang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Na-quote ang ka-loveteam ni Juday sa soap dramang Sa Piling Mo nang, "I hope I am not causing any misunderstandings between them," sa nakaraang interview niya na ikinataka namin dahil makailang beses na naming nakausap ang aktor tungkol sa mas malalaking intriga ay ingat itong magsalita at hindi rin ito sumasawsaw sa isyu.

Lumaki na ang gulo dahil nagpalabas na ang boyfriend ni Budaday ng kanyang official statement na oras na magkita sila ni Piolo ay, "I’ll put him in his place."

Hindi pa namin ganun kakilala ang future husband ni Juday pero base sa makailang beses namin siyang nakakausap ay nakitaan na naming hindi siya ‘showbiz’ na tao, diretsong makipag-usap at kapag nakanti siya o mahal niya sa buhay, tiyak na may paglalagyan ka.

Sana bago mangyari ang iniisip naming hindi maganda, sana magkaliwanagan muna sina Piolo at Ryan dahil pareho naman sila ng bakuran ‘no! – REGGEE BONOAN

Show comments