Sa album launch ng "Iced Out Compilation Vol. 1: The Mad World Files" na ginanap sa Temple Bar sa Makati ay wala ang kanyang mother dear at sa halip ay naron si Richard para siya alalayan. Kung sabagay sila namang tatlo nina Richard at Elvis ang mga may-ari ng Iced Out Entertainment na ang first artist ay si Ritchie Paul (RP). Si RP at ang D-Coy ang mga artist sa likod ng awiting "Igalaw Mo Lang", ang lead single ng album na nagtatampok din sa mga veteran artists na sina Madd Poets, 7 Shots, J.O.L.O., Dash of Legit Misfitz at Hi -C of Dice & K9. Mayron ding video ang "Igalaw Mo Lang" na ipinalalabas na sa MYX.
Ang iba pang tracks na siguradong kalulugdan ng mga tagapakinig ng mga hip hop music ay ang "Ngayon at Kailanman" ni Basil Valdez na kung saan ay nakasama nina D-Coy at RP si Janno Gibbs sa makabagong areglo ng klasikong kanta.
Lima ang sariling komposition ni RP sa album.
"Ang mom ko gusto sa pag-arte ako luminya pero, ayaw ko. When I was a kid, nakagawa na rin ako ng movie pero, pinilit lang ako ng mom ko.
"Nasa 6th grade pa lang ako ay sumusulat na ako ng kanta. Ive done more or less 60 songs. In my first solo album titled "Rise" which will be launched May or June, lahat ng songs ay compositions ko. Ang mga brothers ko, most especially Richard who has been my roommate for four years now, ang nag-inspire sa akin para pumasok sa recording. Inspire is a lighter word, my brothers actually pushed me para maging singer. Nagulat nga ang dad ko nang malaman niya. Ganundin si Ate (Ruffa) na walang kamalay-malay na magiging singer ako. She was just as surprised as my dad when she found out.
Sa March 31, may album launch sa Basement Bar sa Libis ang "Iced Out" compilation album, April 8 nasa Mugen Bar sila, April 16- Metrowalk Ortigas, Boracay- April 23, SM Dasmariñas- April 29. Yung ibang activities and gigs nila, just text ICEDOUT to 4627 for Smart or 2364 for Globe & Sun. If you want to get updates from RP himself, text RP to 4627 for Smart or 2364 for Globe & Sun.
Ang workshop ay inorganisa ng RDH Ent. Network.
Tumatanggap na rin ng application para sa 2nd batch ng professional Kiddie & Teen Models Association of the Phils. (PKTMAP). Bukas ito sa mga batang may edad 5-11, teens- 12-17. Magsisimula ito sa Marc h 26 sa Ellens Bldg. magdala lamang ng 2 larawan (close-up at whole body) at iba pang dokumento.
Nagsimula na rin ang search for 7th Little Angels 2006. Sa mga interesado, tumawag sa 4354881 0 09205975333.
Sa episode sa linggong ito, magkikita na at magkakakilala sina Arman (Marky) at haring Ybrahim (Dingdong Dantes). Alam ni Arman kung kanino siya anak dahil tinawag niyang amang Ybrahim ang hari. Agad naman siyang makakagaanan ng loob ni Ybrahim na lubhang pagtatakhan ni Alena (Karylle) at habang nagbibinata si Arman ay lalong tumitindi ang kanyang kaba at pagdududa sa binata.
Ang magandang pagtitinginan ng mag-ama ang magsisilbing break sa walang awang paglalaban ng mga character sa Encantadia lalo na ang gulo sa pagitan ng mag-amang Hagorn (Pen Medina) at Pirena (Sunshine Dizon).