Haplos ng pagmamahal ni Doc Gary
March 22, 2006 | 12:00am
Hindi naulit ni Angel Locsin ang itinalang record sa pilot episode ng Darna last year na umabot sa 48% sa Majika nung Lunes ng gabi dahil nagtala lang ito ng 34%.
Ayon mismo sa mga nakapanood (hindi namin napanood) ay "okey" lang, hindi gaanong maganda, hindi rin gaanong pangit.
"Hindi impressive, pero okey naman. Pambata talaga at parang nasa Disney sila," say ng mga kasamahan sa panulat.
Kung ikukumpara raw sa Encantadia ang Majika ay mas seryoso at mabigat ang istorya ng apat na Sangre samantalang itong kina Sabina at Argo ay medyo mababaw at madaling intindihin (daw).
Anyway, maganda ang ginawang pagbalasa ng GMA 7 sa mga programa nila dahil nanalo ang Majika sa Sa Piling Mo nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos sa rating na 29.7% lang.
Nakabawi rin ang Encantadia sa rating na 35.1% kumpara sa Koreanovelang Princess Lulu na 25.2% at kung hindi na babaguhin ang timeslot ng mga nabanggit na programa ay nakatitiyak na kaming tuluy-tuloy na ang pagbulusok ng mga Encantadia.
Going back to Angel na masaya na rin maski na hindi niya nalagpasan o napantayan ang pilot episode ng Darna, at least daw hindi naman ito natalo ng katapat nilang soap drama.
Sana lang tumaas pa raw ito sa mga susunod na gabi dahil sinisiguro niyang sobrang ganda raw ng istorya ng Majika.
At inuulit niyang muli, hindi raw mala-Harry Potter ang kwento nito, nagka-pareho lang sa magic-magic.
Sa April 1, Sabado sa ganap na 11:30am hanggang 12 noon sa RPN 9, mapapanood na ang programang Kalusugan TV (KTV) na iho-host nina Amy Perez at Doc Gary Sy.
Sounds familiar ang name ni Doc Gary dahil well-known pala siya sa showbiz circle at maging mga ordinaryong tao ay knows siya dahil sa mga programa niya sa radio tulad sa DZRH as guest doctor tuwing Biyernes para magbigay ng payong kalusugan at DZMM bilang regular program niya kung saan nanalo siyang Best Educational Radio Program of 2005 mula sa Catholic Mass Media Awards o CMMA.
Marami na tayong napanood na programang nagi-guest ang mga sikat at kilalang doktor para payuhan ang viewers tungkol sa kanilang mga karamdaman.
Pero halos lahat ng mga ito ay iisa ang istilo, papayuhan kang dalawin sila (doktor) sa kani-kanilang clinic o kayay tawagan sila sa mga numerong ibibigay para sa libreng payo kuno at kung anu-ano pa.
Sabi nga, walang haplos ng pagmamahal sa mga pasyente. At dito kakaiba si Doc Gary dahil base sa pakikipag-usap namin sa kanya ay kakaiba siya sa mga doktor na nabanggit.
Say nga ni Doc Gary, "Hindi lahat ng sakit ay dapat inuman ng gamot, may mga uri ng sakit na kaya mo nararamdaman yun ay dahil sa stress, kapag stressed ka, hindi mo kailangang uminom kaagad ng gamot, pahinga at uminom ng maraming tubig ay okey na, depende rin kasi sa tao kung inaabuso niya ang katawan niya.
Simple lang ang 30 minute show nina Doc Gary at Amy, uumpisahan sa opening spiel kung saan ipapakita ang hosts ay engage sa isang activity, next ang main topic na pag-uusapan ang isang topic na nasa librong Gabay sa Kalusugan na mismong si Doc Gary ang sumulat, celebrity portion na every week ay may celebrity guest silang magkukwento ng kanyang testimony tungkol sa pagkakaroon ng malubhang sakit at gumaling, ask Dr. Sy a question and answer portion from the doctor host thru letters, text messages and email questions that viewers will send, at conclusion recap kung saan bago magtapos ang programa ay muling idi-discuss ng mga host ang magagandang payo nila sa manonood at kung ano ang thought for the week. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended