Sa kwento ng movie, si Dingdong ay gumaganap bilang si Marco, isang lalaki sa kasalukuyang taon (2006) na umiibig sa isang babae, si Divina (Iza) na mula sa nakaraan (1957). Si Karylle si Lianne, ang babaeng nagmamahal kay Marco sa kasalukuyan, ngunit binale-wala nito.
Ito ang unang dramatic role ni Dingdong at ayon kay Direk Mark Reyes ay naipakita niya ang lawak ng kanyang galing sa pag-arte. Sa isa ngang eksena na kinunan on location, hindi napigilan ng buong cast and crew na umiyak dahil nadala sila ng kanilang emosyon habang umaarte si Dingdong ng labis na paghihinagpis dahil nawalan ng isang minamahal.
Bagay naman kay Iza ang kanyang role ng isang babaeng nakulong sa nakaraan. Never niyang na-exaggerate ang kanyang acting. Hindi man sila loveteam ni Dingdong, hindi maiiwasan na di mapansin ang maganda nilang chemistry on-screen na nagbigay daan para kiligin ang maraming manonood ng pelikula.
Si Karylle naman ay nagpakita rin ng galing sa pag-arte bilang babaeng nasa harapan lamang ni Marco, tumatawag sa puso nito subalit di niya naririnig.
Balak ng GMA Films na i-export ang movie at siguro nga isang magandang oportunidad ito para naman makita sa ibang bansa na mahuhusay tayong craftsmen, pagdating sa pelikula, hindi tayo maaaring mahuli.
Maliban sa kanilang tatlo, mga de-kalibreng artista rin ang kasama nila: Ian Veneracion, Valerie Concepcion, Chinggoy Alonzo, Ces Quesada, Amang Quiambao, Sandy Andolong, Isabel Oli, Dion Ignacio, Paolo Contis at Gloria Romero.
Mapapanood na ang Moments of Love sa Marso 29.
Maganda ang pagkakagawa ng kanilang album ng Paragon Records, may mataas na kalidad. Kapag una mo itong marinig ay gusto mong ulit-ulitin ang pakikinig. Ganito ka-infectious ang music ng Solace. Try mo. Im sure narinig mo na ito, di mo lang alam na Solace pala ang kumakanta.