Piolo, Juday di matalo ng kalaban!
March 21, 2006 | 12:00am
Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos dahil maski na alam ng lahat na hindi sila magkarelasyon ay malakas pa rin ang loveteam nila.
Muli nila itong pinatunayan dahil ang soap drama nilang Sa Piling Mo sa ABS-CBN ay hindi nagawang ilugmok in terms of ratings game ng katapat nitong Encantadia na base sa nasagap naming kwento ay malapit nang magtapos sa ere.
"Few weeks ago, natalo namin ang Encantadia for three consecutive days, kaya masaya kami and at the same time, hindi pa nila kami natatalo straight week, neck-to-neck ang laban namin," pagkukwento ng staff ng Sa Piling Mo.
Simple lang naman kasi ang istorya ng soap drama nina Piolo at Juday, hindi malilitong manood ang viewers at iilan din ang characters.
"Sabihin na nilang luma ang plot ng story, naiintindihan pa rin, hindi ka magwo-wonder kung saan nanggaling o saan nagsimula yung ibang tauhan," ito naman ang singit ng isa pang taga-Dos.
Dahil sa bagong programang Jologs Guide ni Ethel Booba kasama sina Pekto at Rainier Castillo na nagsimula kagabi, Linggo ay may isyung kumalat na tatanggalin na ang babaing pasaway sa Extra Challenge at papalitan na siya ni 2005 Miss International Lara Precious Quigaman.
Kaagad naming tinawagan ang program unit manager ng Extra Challenge na si Melo Esguerra at ang paliwanag niya ay, "Ay, no! Never na mawawala si Ethel sa Extra Challenge, if ever magdagdag kami pwede, pero para palitan si Ethel or even Paolo thats a big no. Ang ganda ng team-up nung dalawa at maganda ang show.
"Guest co-host lang si Lara on this week episode (airing sa Miyerkules) na dream date with Richard Gutierrez at hindi siya permanent. But if youre going to ask me kung gusto ko siyang i-permanent, why not? Bilib ako kay Lara, shes very professional, isang araw ko lang siyang na-brief kung ano ang gagawin niya, knows na niya lahat at hindi man lang nagkamali, perfect.
"But the problem is, hindi ko alam kung ano ang career path ni Lara so hindi ko pa sure kung pupwede ko siyang kunin as permanent co-host sa EC. As far as I know, may plano yata ang Binibining Pilipinas sa kanya, so as of now, guest co-host lang siya," magandang paliwanag sa amin ng mabait na executive ng EC. REGGEE BONOAN
Muli nila itong pinatunayan dahil ang soap drama nilang Sa Piling Mo sa ABS-CBN ay hindi nagawang ilugmok in terms of ratings game ng katapat nitong Encantadia na base sa nasagap naming kwento ay malapit nang magtapos sa ere.
"Few weeks ago, natalo namin ang Encantadia for three consecutive days, kaya masaya kami and at the same time, hindi pa nila kami natatalo straight week, neck-to-neck ang laban namin," pagkukwento ng staff ng Sa Piling Mo.
Simple lang naman kasi ang istorya ng soap drama nina Piolo at Juday, hindi malilitong manood ang viewers at iilan din ang characters.
"Sabihin na nilang luma ang plot ng story, naiintindihan pa rin, hindi ka magwo-wonder kung saan nanggaling o saan nagsimula yung ibang tauhan," ito naman ang singit ng isa pang taga-Dos.
Kaagad naming tinawagan ang program unit manager ng Extra Challenge na si Melo Esguerra at ang paliwanag niya ay, "Ay, no! Never na mawawala si Ethel sa Extra Challenge, if ever magdagdag kami pwede, pero para palitan si Ethel or even Paolo thats a big no. Ang ganda ng team-up nung dalawa at maganda ang show.
"Guest co-host lang si Lara on this week episode (airing sa Miyerkules) na dream date with Richard Gutierrez at hindi siya permanent. But if youre going to ask me kung gusto ko siyang i-permanent, why not? Bilib ako kay Lara, shes very professional, isang araw ko lang siyang na-brief kung ano ang gagawin niya, knows na niya lahat at hindi man lang nagkamali, perfect.
"But the problem is, hindi ko alam kung ano ang career path ni Lara so hindi ko pa sure kung pupwede ko siyang kunin as permanent co-host sa EC. As far as I know, may plano yata ang Binibining Pilipinas sa kanya, so as of now, guest co-host lang siya," magandang paliwanag sa amin ng mabait na executive ng EC. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am