Puno ng talento ang bata hindi lang sa pag-arte kundi gayundin sa pag-awit. Katunayan, recording artist na ito ng Universal Records at may self-titled album na. Kaya excited na ang sikat na batang actor dahil mapapakinggan na nito ang kanyang ginawang album.
Mag-apply lang sa TESCOR Office (2nd floor) J-Centre Bldg., Vista Verde Executive Village, Phase 1 ng San Isidro, Cainta, Rizal.
Sa March 31 naman ay may fashion show sa Sulu Hotel. Mag-apply din sa nabanggit na opisina.
Tawagan si Arlene Guerrero sa telepono 668-1232/2401651 at cel. No. 0917-824-3210 at Ms. Joanna Rapadas ng Stylish Production sa 0927-437-2644.
Ang deadline para sa submission ng screenplays ay sa Mayo 15 mula sa naunang deadline na April 30 ayon naman kay Mr. Rolly Josef na myembro ng selection, screening at executive committee.
Isa pang pagbabago ay dapat na magpakita ng pruweba ang mga aplikante sa festival ng financial capability to produce prints at kayang gumastos para sa promosyon ng pelikula.
Ipinaliwanag ni Josef na idinagdag ang rule na ito dahil noong nakaraang taon, may dalawang prodyusers na hindi nakapag-submit ng minimum number of prints. Bawat producer ay nangangailangan ng 50 o 60 prints para mapanood ang pelikula nationwide.
Ang dalawa ding produ ay walang sufficient budget para ma-promote ang pelikula kaya kailangan pang mag-loan kaya walang kapabilidad na matapos ang entry, maibigay ang required number ng prints at mag-promote ng pelikula.
Ang bagong rule na ito ay makakatulong sa mga maliliit na producers para hindi sila masapawan ng malalaking prodyuser sa takilya.
Ang bagong MMFF "summary of rules" ay mayroong nine genres-action, drama, comedy, horror, adventure, suspense, science fiction, fantasy o musical.