^

PSN Showbiz

BJ Forbes, recording artist na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naging malaking tagumpay ang Celebrity Screening ng Nanny Mcphee ng Solar-UIP at star-studded ito. Kabilang sa mga dumalo ay si BJ "Tolits" Forbes na nagandahan talaga sa movie.

Puno ng talento ang bata hindi lang sa pag-arte kundi gayundin sa pag-awit. Katunayan, recording artist na ito ng Universal Records at may self-titled album na. Kaya excited na ang sikat na batang actor dahil mapapakinggan na nito ang kanyang ginawang album.
Summer Acting Workshop
Magsisimula na ang summer acting workshop ng Sapphire N Topaz Management Production with Stylish Production mula April 1-10 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife. Ang mga aplikante ay mula sa tatlong taong gulang hanggang sa senior citizen kung saan ang ilan sa grumadweyt noon ay kabilang na artista ng Dos at Siete.

Mag-apply lang sa TESCOR Office (2nd floor) J-Centre Bldg., Vista Verde Executive Village, Phase 1 ng San Isidro, Cainta, Rizal.

Sa March 31 naman ay may fashion show sa Sulu Hotel. Mag-apply din sa nabanggit na opisina.

Tawagan si Arlene Guerrero sa telepono 668-1232/2401651 at cel. No. 0917-824-3210 at Ms. Joanna Rapadas ng Stylish Production sa 0927-437-2644.
Bagong MMFF Rules
Bagong mga rules o panuntunan ang ipatutupad sa darating na 2006 Metro Manila Film Festival. Ilan sa mga pagbabago ay ang sabay-sabay na pagbubukas sa mga sinehan ng sampung entries na mapipili sa December 25 ayon sa MMFF Chairman na si Bayani Fernando.

Ang deadline para sa submission ng screenplays ay sa Mayo 15 mula sa naunang deadline na April 30 ayon naman kay Mr. Rolly Josef na myembro ng selection, screening at executive committee.

Isa pang pagbabago ay dapat na magpakita ng pruweba ang mga aplikante sa festival ng financial capability to produce prints at kayang gumastos para sa promosyon ng pelikula.

Ipinaliwanag ni Josef na idinagdag ang rule na ito dahil noong nakaraang taon, may dalawang prodyusers na hindi nakapag-submit ng minimum number of prints. Bawat producer ay nangangailangan ng 50 o 60 prints para mapanood ang pelikula nationwide.

Ang dalawa ding produ ay walang sufficient budget para ma-promote ang pelikula kaya kailangan pang mag-loan kaya walang kapabilidad na matapos ang entry, maibigay ang required number ng prints at mag-promote ng pelikula.

Ang bagong rule na ito ay makakatulong sa mga maliliit na producers para hindi sila masapawan ng malalaking prodyuser sa takilya.

Ang bagong MMFF "summary of rules" ay mayroong nine genres-action, drama, comedy, horror, adventure, suspense, science fiction, fantasy o musical.
Blind Item: Sobrang Diet
Kung dati ay heavy breakfast ang almusal ng dramatic actor/singer, ngayon ay hindi na dahil puspusan ang kanyang pagda-diet. Kamote na lang ang kinakain nito sa agahan. Hindi na rin siya gumagamit ng cooking oil pag naggigisa ng bawang, sibuyas at kamatis kundi tubig na lang. Ayaw na niya ng kanin, prutas at gulay na lang ang kinakain.

ARLENE GUERRERO

BAYANI FERNANDO

BLIND ITEM

CELEBRITY SCREENING

J-CENTRE BLDG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MR. ROLLY JOSEF

STYLISH PRODUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with