Sandara was referring to the fact na ang boyfriend niya ay sinabing mabait ng halos lahat ng kaibigan nito pero, siya, iba ang tingin niya sa kabaitan nito.
Tinawag niya itong "tanga" sa panahong ang Star Cinema ay umaasam na tatanggapin ng tao ang tambalan nila ni Joseph Bitangcol tulad nang ginawa nilang pagtanggap sa kanila ni Hero Angeles.
Just the other night, napanood ko sila ni Hero sa Can This Be Love? sa Cable Channel at talaga palang maganda ang chemistry nila. Sayang at maaga itong nabuwag.
Pero, nangyari na ang lahat, wala na sila ni Hero. Sila na ngayon ni Joseph. Dasal ng mga tagahanga nila na mag-magic din ang tambalan nila sa takilya. After all, real ang relationship nila.
"Mas masaya palang gumawa ng movie when the person you are paired with is your true love. Really, I love Joseph," ani Sandara.
"Ninerbyos ako nang unang humarap ako sa kamera. First movie ko to pero, talagang masaya kami ni Sandara when we did the movie," amin naman ni Joseph.
Malakas ang suportang ibinibigay sa kanila ng Star Cinema, Franzen Fajardo ng Pinoy Big Brother, Eugene Domingo, Pokwang, Nikki Valdez, Candy Pangilinan, JR Valentin, Janus del Prado at Carla Humphries.
Sa movie, hate nina Sandara at Joseph ang isat isa since bata pa sila. Umalis si Sandara at nanay niya (Pokwang) at nagtrabaho sa Korea. Bumalik sila nang dalaga na si Sandara.
Sa airport, napagkamalan ni Sandara si Franzen na si Joseph. Lalo silang nagalit sa isat isa. Aksidenteng nagkita sila nang tumakas si Sandara sa kanyang ina. Nagkalapit sila nang di sila nagkakakilala,
Ang DLucky Ones ay nasa direksyon ni Wenn Deramas at palabas na sa Abril 15.
"Akala ko nakatagpo na ako ng peace of mind sa lalaking sinamahan ko, hindi pala.
"Ginawa ko ang lahat para mag-work ang relasyon namin pero, nauwi din kami sa hiwalayan.
"Naubos na ang hinagpis ko, nailabas ko nang lahat ang sama ng loob ko," aniya sa mga press na dumalo sa isang intimate lunch na ibinigay niya para ihayag ang pagiging aktibo niyang muli sa showbiz.
Hindi muna pelikula ang aasikasuhin niya kundi ang kanyang pagkanta. Nung Enero, pagkadating niya ay agad siyang sumalang sa isang mini concert. Nabitin ang mga nanood sa kanya kaya kinumbinsi nila siyang kumanta sa isang mas malaking venue. Ito ngang Lara Revealed na magaganap sa March 24 sa Makuhari Bar/ Restaurant sa Malate.
Si Dr. Gary ang pangunahing host ng bagong programa sa TV na pinamagatang Kalusugan TV (KTV). Isa itong medical talk-magazine show na magbibigay ng update sa mga latest health and medical issues. Sasagot din si Doc Gary sa mga tanong ng mga manonood ng show tungkol sa kalusugan at magbibigay ng practical tips kung paano ito mapapanatili.
Hindi nag-iisa si Doc Gary, sasamahan siya ni Amy Perez, isang aktres na mahusay ding TV host.
Ang Kalusugan TV (KTV) ay prodyus ng Kaizz Ventures Inc. at mapapanood sa RPN9, Sabado, 11:30 NU-12:00NT.