Sexy star, buking na P25,000 ‘per night’ ang TF

Isa sa mga importanteng part ng accomplishment report ni Presidential Consultant on Entertainment Vic del Rosario ang encouragement sa local producer para sumali sa international trade missions organized by Department of Trade and Industry. Naniniwala si Mr. del Rosario na malaki ang potential ng local films sa foreign markets bukod pa sa mga accredited international film festivals. Ang nasabing trade mission ay direktang ii-introduce ang mga Filipino producers sa kanilang counterparts and potential customers sa bagong market.

Dalawa sa trade missions ay nangyari sa Indonesia last year, at this year, India ang target nila. Walang masyadong Pinoy sa dalawang nabanggit na bansa.

Na-realize ni Mr. del Rosario ang importansiya of assuming a business development role in behalf of the Filipino entertainment industry sa pamamagitan ng pagpapadala ng representative sa trade missions. Ang objective is to break new ground sa dalawang nabanggit na Asian markets.

Sa kabila ng iba’t ibang intriga sa Presidential Consultant on Entertainment, mas nagko-concentrate siya sa kanyang trabaho kesa sa mga taong pumupuna sa kanyang posisyon.
* * *
For P25,000 puwede palang maka-one night stand ang isang sexy star. Ang kuwento kasi ng isa kong friend, one time daw may nagpadala ng flowers sa nasabing sexy star sa kanyang tinitirhang condotel. Since wala ang actress nang dumating ang nasabing bulaklak, sa guard lang iniwan. Eh that particular time naka-check in din pala sa nasabing condotel ang isang businessman. Nang makita ng businessman ang name ng sexy actress sa flowers, nag-dialogue daw ito ng: "Ang mahal niyan, P25,000" na parang casual lang daw pagkakasabi na narinig ng isang friend ko na naka-check in din sa nasabing condotel.

Kunsabagay, hindi na bago ang ganitong story sa sexy star na ito. Marami-rami na ring blind item na lumabas na tungkol sa kanya.

Visible ang sexy star na ito sa mga shows ng isang network.
* * *
Another blind item. Kuwento ng another source tungkol sa kanyang cousin na for a while ay nag-work sa news and current affairs ng isang network. Ateneo graduate ang cousin niya at sobrang na-excite siyang mag-work sa isang well known personality. Kaya lang kuwento ng cousin niya, sobrang hirap ang naranasan niya. Sobrang strict daw ni news personality samantalang hindi naman ito kilala sa ganitong character. Sweet kasi ang image nito sa public so hindi nila ito ini-expect.

So ang ending, nag-resign na lang ang cousin ng friend ko dahil hindi na raw nito ma-stomach ang attitude ng kanyang boss.
* * *
Sobrang hit locally ang bagong album ng The Sugarbabes. Since the release ng kanilang first single, "Push The Button," naging instant hit ang London based pop trio sa ating mga Pinoy. Kaya sa sobrang success ng kanilang first single, ire-release ang kanilang second single "Ugly (People Are All The Same)" under MCA Music kasabay ng launching ng kanilang You Too Can Be on the the Spotlite promo.

Ang mananalo ay puwedeng mag-ala Sugarbabe type of treatment via makeover. Tatlong lucky winners ang mananalo ay imi-makeover at mapi-feature para sa mga magazines. Open sa all female contestants ages 15-25, simply send in entries kasama ang inyong pangalan, age, address and your best photo sa MCA Music at 34th floor, Raffles Corporate Center, Emerald Avenue, Ortigas Center.

Ang deadline for submission ay today, March 18.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments