Twelve original songs ang nilalaman ng naturang album na masasabing mas nag-mature ang kanilang pagsusulat at pagpi-perform. At ang buong banda ay may kontribusyon na komposisyon sa naturang album. Tiyak na narinig ninyo na ang kanilang carrier single na "Dalawa" na composed ng bassist nilang si Bopip Paraguya. Ang naturang single ay isang upbeat rock love song na unti-unti nang sumisikat sa airwaves.
May 2 track sa album na mula sa "Balangga 1901" compilation, ang "From The Other Side Of The Sea" at "Sweet Freedom".
Ang current line-up ng Color It Red ay binubuo ng original members Barbi Cristi (rhythm guitar) at Cookie Chua (vocals) plus Bopip Paraguya (bass), Jayvee Torres (drums) at Sam Baja (keyboards).
Available na ang latest album ng Color It Red sa lahat ng record stores nationwide. Dearly S. Ganaden