Habang ongoing ang pagwa-wax at pagtatanggal ng buhok sa katawan ni John, nasa labas lamang ng Bahay ni Kuya ang kanyang daddy at mommy at kapatid na si Camille. Maging sila ay nasasaktan sa tuwing umaaray si John.
Sa totoo lang, napakalaki ng ginawang sakripisyo ni John para makita lamang niya ang kanyang pamilya na mahigit isang buwan na niyang hindi nakikita pero at the same time, humanga kami sa tapang na kanyang ipinakita. Ipinamalas din niya kung gaano niya kamahal ang kanyang pamilya. Ang mommy ni John na si Alma lamang ang pinayagan ni Big Brother na pumasok sa loob ng bahay para mayakap si John sa loob ng isang minuto pero ang kanyang daddy (Dondee) at kapatid na si Camille ay nakita lamang niya sa salamin at hanggang kaway lamang sila.
Kung nagpakita rin ng pagsasakripisyo sina Aleck Bovick at Rico Robles sa pamamagitan ng pagpapakalbo kapalit ng tig-iisang daang libong piso na ang beneficiary ay ang amang maysakit ni Aleck at pamilya ng katulong ni Mich Dulce, kani-kanya ring sakripisyo ang ipinakita ng iba pang housemates tulad nina Keanna Reeves at Gretchen Malalad na nauna nang na-evict nung Miyerkules kasama sina Rico Robles, Zanjoe Marudo at John Prats. Nung nakaraang Martes ng gabi, tinanggap ni Gretchen ang hamon ni Big Brother na siyay maga-ala-musical doll sa loob ng 24 oras.
Mukhang mas mahihirap ang tasks na ipinagagawa ni Big Brother sa Celebrity Edition ng PBB kumpara sa naunang edition.
Naudlot man ang pag-iibigan nina Angel at Dennis, napanatili naman nila ang pagiging close sa isat isa. Natutuwa rin sila na tanggap ng mga manonood ang team-up nilang dalawa kaya naman sila ang muling pinagsama ng GMA-7 sa pinakabagong tele-fantasya ng Kapuso network, ang Majika na magsisimulang mapanood sa darating na Lunes, Marso 20.
Kung naabot ng Darna ang 52% at 48% rating, maabot din kaya ito ng Majika?
Sa araw na ito ng Biyernes (March 17) ay ipinagdiriwang ng PSN ang kanyang ika-20 anibersaryo at isang malaking okasyon ang nakatakdang mangyari sa Westin Philippine Plaza.
Isang malaking karangalan ang mapabilang sa isang babasahin na tinatangkilik ng mga mambabasa hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.