Like father, like son

Unti-unti na ngang nakakawala sa anino si Gabriel Valenciano sa imahe ng kanyang daddy Gary V bagama’t hindi maiaalis na gayang-gaya niya ang indak at galaw ng kanyang ama. Kaya mas maraming nagsasabi na may kapalit na si Gary V sa kanyang trono. Lalo na nang magpakitang gilas ito ng pagsasayaw sa launching ng Whoops, isang trendy clothing apparel.

"Oh no!!! Hindi po," malakas na pagtanggi ni Gab.

"Definitely marami pa akong dapat patunayan. As they said, marami pa akong bigas na kakainin. And as we all know Gary V is Gary V. Walang puwedeng pumalit sa kanya. But what I am thankful is people appreciate and accept me for who I am. And siyempre I owe it a lot to my dad who inspires me to excel in my dancing," sabi ni Gab.

Formal ngang ipakikilala si Gab as dance icon-youth model kasama si Nicole Hernandez sa Whoops Battle of the Bands: A Music and Fashion Clash na gaganapin sa April 7 Baywalk, Roxas Boulevard kung saan pagsasamahin ang music and fashion.

Dadaluhan din ng Salamin at ni Bamboo kung saan bibihisan ng Whoops ang lahat ng sasaling banda.

Kung dancing ang forte ni Gabriel, singing naman ang hilig ni Paolo Valenciano na magpaparinig din ng kanta kasama ang binubuo nilang bandang magkakapatid at ilang kaibigan sa battle of the bands ng Whoops.
* * *
Tinitiyak ni Jennifer Bautista na hindi na siya sasablay sa susunod na laban ni Manny Pacquiao kung saan siya pa rin ang pinili ni Pacman na kumanta ng national anthem.

"Ibibigay ko pa rin po ang best ko. This time gagawin ko nang swabe kahit sa huling nota ng kakantahin ko," sambit ni Jennifer.

Pagkatapos ng mga batikos na natanggap ni Jennifer dahil sa eksenang pumiyok siya, mas nakilala siya at nagbukas pa ito ng maraming opurtunidad sa kanyang singing career na ngayon ay Ms. Lolit Solit ang kanyang manager.

Show comments