Richard, isinama’t iniwan sa Australia ang gf na si Georgina

Hindi man natuloy ang repeat sa Araneta Coliseum ng Forever After concert nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, tuloy naman ang concert nila sa London. The same show ang dadalhin nila at kasama pa rin sina Rico Puno at Aiai delas Alas

May nagbulong pala sa amin na sakaling natuloy ang repeat ng concert, hindi babaguhin ni Rico ang kanyang spiel. Totoo bang nagagalit ang singer-politician ‘pag sinasabing mali ang kanyang ginagawa?
* * *
Sumabak agad sa workout si Richard Gutierrez pagdating mula sa bakasyon sa Thailand at Australia. Ito’y bilang paghahanda sa Captain Barbell na April ang target ng taping. Tumaba rin ang actor na kailangang agad mawala pero, ayaw nitong sabihin kung ilang pounds ang nadagdag sa kanya.

Madali ring nahuli si Richard na kasama niyang nagbakasyon sa Australia ang girlfriend niyang si Georgina Wilson. Naiwan ang dalaga at nag-aaral sa Sydney University at matagal daw itong mag-aaral. Obvious bang hindi namin sinunod ang request nitong ‘wag namin isulat ang tungkol sa kanila ng gf dahil heto at, binabasa n’yo.

In search ang GMA-7 nang makakapareha ni Richard. Hindi na puwede sina Chynna Ortaleza at Isabel Oli dahil sa last part ng Sugo, hindi na nag-work ang tambalan nila ng Cebuanang actress. Sina Dominic Zapata at Lore Reyes ang magdidirek niyan. 
* * *
Nakipagkuwentuhan kami kay Ogie Alcasid pagkatapos ng launching ng "Lumilipad" album niya from Viva Records. Ibinalita nitong marami ang nanood sa concert nila nina Tina Paner at Manilyn Reynes sa Amsterdam.

Bilib si Ogie dahil kahit saang part ng mundo ay may Pinoy. Survivors din daw ang Pinoy at multi-lingual. Ang ganda raw pakinggan ang mga kababayan natin speaking in French, Russian, German at iba pang languages.

Ang reklamo lang ni Ogie, uso pa rin ang siraan kahit nasa ibang bansa na ang mga kababayan natin. Kinailangan daw nilang magsimba ni Tina sa Amsterdam para ipaalam na tuloy ang show nila dahil kumalat ang tsismis na ‘di siya darating. Weird daw na pati sa simbahan, nagpo-promote sila.
* * *
Hindi namin alam kung nagkakahiyaan lang pero, hindi talaga nagbabatian ang batch 1 & 2 at batch 3 ng StarStruck. Noong nasa GMA Network kami last week, ang batch 1 & 2 graduates lang ang nag-uusap. Dumaan at walang binati sina Vivo Ouano at Arci Muñoz sa naunang dalawang batch.

Pinaka-close na batch ay ang SS 2. The whole time na naroon kami, laging magkadikit sina Jelaine Santos, Krizzy Jareño at Cris Martin. Panay din ang lapit nina Kirby de Jesus, Ana David, Benj Pacia at Ken Punzalan sa mga kasama.

Kausap namin si Mike Tan nang lumapit sina Jelaine, Krizzy, Kirby at Megan Young at masayang nagbibiruan. Nagpapalibre ang tatlong babae kay Mike pero, uuwi na raw siya. Dedma ito sa kantyaw na kuripot siya.

Nalaman namin kay Megan na break na sila ni Gian Carlos na ayaw naming paniwalaan dahil hindi siya mukhang broken hearted. Hindi nito masabi kung kailan sila nag-break at nagulat pang inamin ni Gian na December 21, 2005 sila nag-on.

Show comments