Bakit si Marky ang SS3 Sole Survivor?

Parang hindi marunong mag-appreciate ang mga kabataan ngayon ng mga magagandang pangyayari sa kanilang buhay. Nang ma-proclaim na Ultimate Survivors sina Jackie Rice at Marky Cielo para sa StarStruck The Nationwide Invasion nung Linggo ng gabi sa isang punung-punong Marikina Sports Park, parang wala naman akong nakita na kakaibang reaksyon sa kanila. Kung ako yun, I would have jumped up and down, baka nahimatay pa ako o baka nag-iiyak na ako dahil di lamang ako artista na, milyonarya na rin ako. Yung dalawa, parang dedma. Mabuti pa nung mapili sila sa Final 4 at naiyak sila pero, nung manalo sila, wala lang.

Marami ang nagtaka kung bakit si Marky ang nanalo, tulad ng kasamahan kong editor sa PM na si Salve Asis. May iba siyang gusto, like Iwa Moto.

But obviously, may talent siya. In fact, feel ko mas magaling siyang dancer kay Mark Herras. At ang talent naman, nahahasa. With proper guidance and management and enough time, malaki pa ang mai-improve niya. Ang masasabi ko lang, napaka-swerte niya.

Si Jackie Rice naman has to prove na carry niya ang title niya. At 15, greenhorn pa siya pero, marami siyang time na ma-improve ang craft niya. Kailangan lamang ay pumili siya, singing ba o acting? At dun siya mag-focus.

Anyways, congratulations sa kanilang dalawa.

Natutuwa ako para sa kanila. At naiinggit dahil ang ganda ng mga oportunidad nila. It was rare during my time. Kaya lang na-vertigo ako sa kalilingon sa dalawang stage na nasa harap at likod ko na kung saan ay ginanap ang SS3. Napakahirap na coverage yun, Jayce!
* * *
Masaya na si Heart Evangelista nang makita ko sa launch ng A Celebrity Bazaar for Leyte spearheaded by Ruffa Gutierrez-Bektas. At totoo ang sabi niya at maging ng kanyang manager na si Angeli Pangilinan Valenciano na hindi siya buntis. Hindi malaki ang kanyang tiyan, napaka-liit nga nito at flat na flat kung tutuusin gayong ilang buwan na siyang pinagtsi-tsismisang buntis. Kinuyog nga siya ng press nang dumating siya at halos ayaw tantanan ng press kaya parang isang ina ang kanyang manager na sinasala ang mga tanong sa kanya.

Na sinagot namang lahat ng aktres na matagal ding nakipagtaguan sa media.

"Okay na ako. I’ve said my piece. Naiyak ko nang lahat. Nailabas ko ng lahat ang sama ng loob ko kaya what is there to say pa?

"It’s true that I’ve been to Hawaii, kami ni Echo (Jericho Rosales, her boyfriend). Nagpahinga lang ako talaga. I had to, my asthma was getting worst dahil sa pressure ng work, at fatigue, dahil di bagay sa asthma ko ang lugar where we were taping Panday. But, I’m okay now. I’m taking medication at kaya medyo mataba ako is because I’m taking steroids.

"My life has changed, Angeli has changed it, ever since I’ve been born again."

Is marriage in the offing?

"Hindi pa, marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Hindi pa ako handang maging wife," ang mga naisingit niyang sagot dahil minamadali na siyang mag-join sa presidential table where the other celebrities who are joining A Celebrity Bazaar for Leyte are patiently waiting for her to join them, at para masimulan na rin ang programa.

The fundraiser which is Ruffa Gutierrez-Bektas’ idea will be held on March 18, 1:00-10PM sa 3rd Floor ng Market Market sa Fort Bonifacio Global City.
* * *
Simula na ng taunang workshop ng RDH Entertainment Network para sa mga batang 5-11 years old. Layunin ng workshop na turuan ang mga kids ng skills sa modeling.

Mahigit 50 ang nag-apply pero 20 lamang ang pinili ng organizer.

Nagsimula ang workshop kahapon at magpapatuloy ito sa lahat ng Linggo ng Marso at Abril. Sa Ellen’s Aesthetic Center Bldg Timog ito ginaganap. Ilan sa mga early entrants ay sina Michael Barbosa, Lourjhan Cudal, Adrian Azarcon at Zeth Frederick Gabrielle Ramos.

Sa mga gusto pang sumali sa PKTMAP Batch 2, tumawag sa telepono 4354881 o 0920-9575333.
* * *
E-mail: veronica@philstar.net.ph

Show comments