Kamakailan ay pinarangalan ang premyadong aktres bilang bahagi ng movie queens tribute na sponsored ng Mowelfund Film Institute, MTRCB at National Commission for Culture and Arts. Naroon ang mga anak ni Guy na sina Lotlot de Leon at Matet gayundin ang mga tagahanga nito.
Ipinalabas ang dalawang pelikula ng superstar sa direksyon ni Mario O Hara, ang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) at Bulaklak ng City Jail (1984).
Napag-usapan namin ang panonood ng sine kung saan sa panahon ngayon ay malaki talaga ang nagagastos ng pamilya kapag lumalabas para manood ng sine.
Ayon kay Bearwin, gaya ni Vero ay sa bahay na lang sila nanonood na mag-asawa (DVD) kapag libre siya sa commitment.
Sapul nang lumagay sa tahimik ay maraming nabago sa buhay ng komedyante. Sa halip na umalis ng bahay at magsaya sa piling ng barkada ay sa bahay na lang siya naglalagi kasama ang asawa at nag-iisang anak. Hindi na rin siya gaanong umiinom di gaya noong binata pa. "Siyempre, kailangang magtipid para sa pamilya lalo na at palaki na ang aming anak," aniya.
Hindi kaya manariwa uli ang kanilang pagmamahalan?
"Gusto kong ma-develop pa ang friendship namin ni Mark. Magkasundo kami ngayon at masaya bilang malapit na magkaibigan," aniya.
Sa kabilang banda, nag-resume na si Jenny sa taping ng Encantadia bilang si Lira kasama uli si Yasmien Kurdi. Enjoy nga ang aktres dahil kasama niya ang itinuturing niyang bestfriend.
Gaano katotoo na kaya pala naghiwalay ang dalawa ay dahil sa nag-born again ang lady produ?