Nagtaka kami dahil ang kaibigan naming regular na napapanood ang Sexbomb sa nabanggit na venue ang siyang nagsabing doon namin matatagpuan ang grupo kaya kami nagpunta.
Nagtanung-tanong kami kung bakit hindi sinipot ng grupo ni Joy ang show nila gayung regular sila roon, pero walang makapagsabi sa amin.Say lang ng nagpakilalang staff ni Allan K ay, "Hindi po sila pinapasok ngayon,nag-iba yata ng schedule, late na nga kami nasabihan."
So, naguluhan kaming lalo, dahil kung ibabase namin ang pahayag ng nabanggit na empleyado ay lumalabas na tsinugi ang Sexbomb sa Klownz?Or kusa rin silang hindi sumipot tulad ng ginawa nila sa Eat Bulaga?
If ever na hindi nga ito sinipot ng Sexbomb, anong aksyon ang gagawin dito ng may-aring si Allan K, wala rin bang kontrata sa kanya ang nabanggit na dancers?
At kung tsinugi naman sila sa Klownz, ay malaking isyu ito at kinakailangan sigurong magpaliwanag dito ni Allan para hindi mag-isip ang lahat na may pulitikang nangyayari.
Anyway, inaasahan naming mako-korner namin para tanungin ngayong gabi sa Eat Bulaga press party si Allan kasama na rin ang over-all-chairman ng programa na si Ms. Malou Choa-Fagar para sa mga pagbabago ng EB.
Silang tatlo pala yung tini-teaser ng GMA 7 na maguumpisa na sa March 19, Linggo sa dating timeslot ng StarStruck, The Nationwide Invasion.
Ang alam namin ay ibabalik ang Kakaba-kaboo ni Chaka Doll na siyang kapalit nga ng StarStruck, pero biglang napunta sa Jologs na under Public Affairs department? So, may isyu ito dahil mas ipinagkatiwala sa public affairs ang dating timeslot ng entertainment?
Anyway, maganda at kakaiba raw ang concept ng nabanggit na programa nina Ethel, Rainier at Pekto at malalaman kung gaano ito kaganda sa nalalapit na presscon nito next week. REGGEE BONOAN