Dahil sa magandang layunin ng proyekto ni Ruffa, maraming celebrities ang magpa-participate sa celebrity bazaar. Bukod kay Ruffa at mga kapatid niyang sina Richard at Raymond Gutierrez, ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kasama rin sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Dawn Zulueta, Richard at Lucy Gomez, Pilita Corrales, Jackielou Blanco, Boy Abunda, Korina Sanchez, Kuh Ledesma, Gary Valenciano, Heart Evangelista, Donita Rose, Arnell Ignacio, Phoemela Baranda, Tessa Prieto-Valdez, Tim Yap, Karen Pascual, Gretchen Barretto, Geneva Cruz, Loren Legarda at iba pa. Magpu-provide naman ang Ricky Reyes Hair Salon ng libreng gupit at masahe. Ang mga participating stars ay magkakaroon ng kani-kanyang booth kaya star-studded ang nasabing celebrity bazaar na bihira lamang mangyari. Suportado rin ito ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ganundin ni Angeli Pangilinan-Valenciano na siyang founder ng Shining Light Foundation.
Natutuwa si Ruffa na kahit napakalimitado ng oras ng preparasyon ay naging very supportive ang kanyang mga kasamahan sa industriya sa kanyang proyekto. Balak din ni Ruffa na dumalaw sa Leyte para aliwin ang mga pamilya ng mga biktima bago man lamang siya bumalik ng Istanbul.
Pagkabalik ng magkapatid nung nakaraang Sabado (March 4) ay agad silang sumabak kinabukasan sa SOP Gigsters. Panay-panay ang paggi-gym ngayon ni Richard bilang paghahanda sa taping ng bago niyang tele-fantasya, ang Captain Barbell na kanyang sisimulan sa susunod na buwan.