Richard at Raymond, ipinasyal sa Australia nina Brad at Greg Turvey
March 11, 2006 | 12:00am
Kasalukuyang nasa bansa si Ruffa Gutierrez at ang dalawa niyang anak for a month-long vacation. Habang narito, nag-organize siya ng isang fund-raising project para makatulong sa mga biktima ng Leyte mudslide at dito niya naisip na buuin ang Celebrity Bazaar for Leyte para makalikom ng pondo. Itoy nakatakdang maganap sa darating na Marso 18 (Sabado) sa Trade Hall ng Market Market (3rd floor) sa Fort Bonifacio, Taguig mula 1NH-10NG.
Dahil sa magandang layunin ng proyekto ni Ruffa, maraming celebrities ang magpa-participate sa celebrity bazaar. Bukod kay Ruffa at mga kapatid niyang sina Richard at Raymond Gutierrez, ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kasama rin sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Dawn Zulueta, Richard at Lucy Gomez, Pilita Corrales, Jackielou Blanco, Boy Abunda, Korina Sanchez, Kuh Ledesma, Gary Valenciano, Heart Evangelista, Donita Rose, Arnell Ignacio, Phoemela Baranda, Tessa Prieto-Valdez, Tim Yap, Karen Pascual, Gretchen Barretto, Geneva Cruz, Loren Legarda at iba pa. Magpu-provide naman ang Ricky Reyes Hair Salon ng libreng gupit at masahe. Ang mga participating stars ay magkakaroon ng kani-kanyang booth kaya star-studded ang nasabing celebrity bazaar na bihira lamang mangyari. Suportado rin ito ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ganundin ni Angeli Pangilinan-Valenciano na siyang founder ng Shining Light Foundation.
Natutuwa si Ruffa na kahit napakalimitado ng oras ng preparasyon ay naging very supportive ang kanyang mga kasamahan sa industriya sa kanyang proyekto. Balak din ni Ruffa na dumalaw sa Leyte para aliwin ang mga pamilya ng mga biktima bago man lamang siya bumalik ng Istanbul.
Nakabalik na sa bansa si Richard Gutierrez at ang kanyang twin brother na si Raymond galing sa kanilangthree-week vacation sa Bangkok at Australia. Apat na araw sila sa Bangkok at dalawang linggo naman sa Australia. Isang linggo silang namalagi sa Sydney at pagkatapos ay tumulak sila ng Gold Coast kung saan sila sinalubong ng twin brothers na Brad at Greg Turvey. Sila ang sumalubong kina Richard at Raymond at ipinasyal sila sa Australia.
Pagkabalik ng magkapatid nung nakaraang Sabado (March 4) ay agad silang sumabak kinabukasan sa SOP Gigsters. Panay-panay ang paggi-gym ngayon ni Richard bilang paghahanda sa taping ng bago niyang tele-fantasya, ang Captain Barbell na kanyang sisimulan sa susunod na buwan.
E-mail: [email protected]
Dahil sa magandang layunin ng proyekto ni Ruffa, maraming celebrities ang magpa-participate sa celebrity bazaar. Bukod kay Ruffa at mga kapatid niyang sina Richard at Raymond Gutierrez, ang kanyang mga magulang na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, kasama rin sina Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Dawn Zulueta, Richard at Lucy Gomez, Pilita Corrales, Jackielou Blanco, Boy Abunda, Korina Sanchez, Kuh Ledesma, Gary Valenciano, Heart Evangelista, Donita Rose, Arnell Ignacio, Phoemela Baranda, Tessa Prieto-Valdez, Tim Yap, Karen Pascual, Gretchen Barretto, Geneva Cruz, Loren Legarda at iba pa. Magpu-provide naman ang Ricky Reyes Hair Salon ng libreng gupit at masahe. Ang mga participating stars ay magkakaroon ng kani-kanyang booth kaya star-studded ang nasabing celebrity bazaar na bihira lamang mangyari. Suportado rin ito ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ganundin ni Angeli Pangilinan-Valenciano na siyang founder ng Shining Light Foundation.
Natutuwa si Ruffa na kahit napakalimitado ng oras ng preparasyon ay naging very supportive ang kanyang mga kasamahan sa industriya sa kanyang proyekto. Balak din ni Ruffa na dumalaw sa Leyte para aliwin ang mga pamilya ng mga biktima bago man lamang siya bumalik ng Istanbul.
Pagkabalik ng magkapatid nung nakaraang Sabado (March 4) ay agad silang sumabak kinabukasan sa SOP Gigsters. Panay-panay ang paggi-gym ngayon ni Richard bilang paghahanda sa taping ng bago niyang tele-fantasya, ang Captain Barbell na kanyang sisimulan sa susunod na buwan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am