"Madalas naman akong pumupunta ng Australia para dalawin sila. Kung hindi man sila nakakauwi rito, dahilan ito sa pagiging abala ng mga anak ko who are into the arts, ballet, painting at iba pang pursuit sa arts," anang singer-composer.
Isang winner na naman ang ika-13th "Lumilipad" album ni Ogie na ginawa niya sa Viva Records. Mayron itong 14 tracks na ang pinaka-title track ay ito ngang "Lumilipad Ako" na siya ring theme song ng Bench. Mayron itong isang glossy music video na kung saan ay kasama ni Ogie si Lucy Torres-Gomez. Directorial debut ito ni Ronnie Salvacion.
"Minamahal Kita" ang second track ng album. Theme song naman ito ng teleseryeng Agawin Mo Man Ang Lahat ng GMA. May music video ito na kung saan ay personal na pinili ni Ogie para makapareha niya si Gretchen Barretto. Inspired ang awitin ng Somewhere In Time.
May ilang duets sa album si Ogie. Sila ni Regine Velasquez ang kumakanta ng "Hindi Ko Na Kayang Masaktan Pa"; "Tangi Kong Pangarap" na kung saan ay si Sarah Geronimo ang ka-duet niya; "Just A Prayer Away" na kasama naman niya si Rachelle Ann Go; "Bakit Ikaw Pa Rin" with Jinky Vidal ng Freestyle; at "Bakit Di Mo Sabihin" kasama naman si Jaya.
May isang awitin sa album na di si Ogie ang gumawa ng music kundi si Louie Ocampo, siya lang ang pinagawa nito ng lyrics. Ito ang "Sana Ay Malaman Mo" na kinanta naman ni Piolo Pascual sa pelikulang Dont Give Up On Us na nagtampok din kay Judy Ann Santos. At ang "Still In Love With You", "Ikaw Ang Tangi Kong Pag-ibig", "Bakit Hindi Na Lang Tayo" at "Ibibigay Ko Sa Iyo".
May mall show si Ogie sa SM San Lazaro, Mar. 12; SM Bacoor, Mar. 19; SM Fairview, Mar. 25; SM Sucat, Mar. 26; SM Marilao, Apr. 1; Metro Town Tarlac, Apr. 2; SM Sta. Rosa, Apr. 22; SM Pampanga, Apr, 23; SM South Mall, Apr. 30 at SM North Edsa, May 7.
May bar tour din siya sa Baga Berde Roxas Blvd., Mar. 16; Klownz Angeles, Mar. 18; Metro Bar, Mar. 23; Baga Berde Pasig, Mar. 30; Klownz Quezon Ave., Apr. 29. Makakasama ni Ogie sa lahat ng palabas si Lovi bilang special guest.
Sa Linggo, Mar. 12, magkakaron ang album ng launching sa SOP.
Magkakaron ng unveiling ng Dr. Guillermo de Vega Memorial Library at pagbabasbas sa bagong elevator na aabot na ng 7th floor. Donasyon ito ni Chairman Emeritus Joseph Estrada. Panauhing pandangal si Gng. Rocio de Vega at mga kaibigan.
Magkakaron din ng bingo social, entertainment at fun games para sa mga bata with karate kids at yoyo demo. Si Rene Garcia ng Hotdog ay makikipag-jamming sa mga artista para sa komposisyon niyang "Magkaisa".