Sa totoo lang, marami na ang naiinis kay Roxanne dahil sa pagiging maarte umano nito at marami ang nagsasabi na dapat daw na lumabas na ito sa Bahay ni Kuya. Si Aleck naman ay gustung-gusto nang lumabas sa Bahay ni Kuya dahil miss na niya ang kanyang boyfriend na si Carlo Maceda at gusto niyang maalagaan ang kanyang maysakit na ama.
Kapag tuluyan nang lumabas sa bahay si Roxanne, wala na umanong saysay na manatili pa sa loob si Rico Robles. Nung umpisa, gustung-gusto ng mga manonood na manatili pa sa loob si Rico para matuloy na ang loveteam nila ni Roxanne pero nang lumantad ang tunay na boyfriend ni Roxanne ay nadismaya ang mga manonood sa pag-aakalang may pag-asa si Rico kay Roxanne. Ito marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas na ginagawa niya kay Rico na kung hindi kami nagkakamali ay naging boyfriend niya noon.
Sa totoo lang, bibihira na tayo makapanood ng ating mga katutubong sayaw kaya maganda itong naisip ni Bobby na muling buhayin ang ating mga cultural dance para naman maipagmalaki natin sa mga makabagong henerasyon at para malaman ng mga turista kung gaano kayaman ang ating kultura.
Hands on si Bobby sa pagpapatakbo ng Kimura Vale Entertainment Center na dinarayo na rin ngayon ng maraming tao pati na ng mga local and foreign tourists.
Sa mga magnanais magpa-reserve, mangyari lamang tumawag sa teleponong 536-0123/536-6868 at 0918-3938003 o di kaya magpadala ng e-mail sa makuhari@yahoo.com.