Sa text message ni Cristine, "Exciting. Regal, GMA Films, Violett Films kasama sa booth natin. FAP (Film Academy of the Philippines) and FDCP (Film Development of the Philippines), Unitel and Gee Productions have their own booths."
So exciting nga ito at malaking chance para sa mga Tagalog films na maibenta sa karatig nation natin ang mga pelikulang Tagalog.
Ayon sa source, never niyang sinabi na binayaran niya ang OMB para isuhol sa mga namimirata noong Metro Manila Film Festival na siyang sinasabi ni Mr. Leo. Ayon daw kay Roselle, totoong nagpahiram siya ng pera sa legal council ng OMB na si Ms. Marivic Benedicto. Pero pinahiram lang naman daw talaga ni Roselle yun at hindi hiningi ng OMB dahil nagkataon lang non na kailangang-kailangan ng OMB ng funds na wala namang available funds that time ang Anti Piracy Council of the Philippines.
At nang malaman daw yun ni Edu na may nanggaling na pera, nireimburse ng OMB ang money kay Roselle ng Regal.
Matagal-tagal ding nanahimik si Ms. Roselle. Pero napundi raw ito dahil ang daming nagtatanong ng reaction niya sa sinasabi ni Mr. Leo na nag-confirm siya na nagbigay siya ng pera sa OMB para gamitin sa pagbabayad sa mga pirata. Humaba nang humaba ang issue. Pero ngayong nag-comment na si Ms. Roselle, siguro naman matitigil na ang issue tungkol sa pagbabayad umano ng OMB sa mga pirata.
Besides nakakasawa na rin ang issue.
Instead siguro na pag-usapan ang issue sa pera, bakit kaya hindi na lang pag-usapan ang laki ng kinita ng Metro Manila Film Festival 2005.
According to a source, last year ang pinakamalaking kita ng MMFF - umabot daw ng P353 million compared last year na almost P300 million lang.
Dapat nga sigurong isipin natin na naging effective ang campaign laban sa pirata kaya ganito kalaki ang kinita kaya siguro dapat nang mag-second thought si ex-Mayor na maka-posisyon sa OMB.