"Wala akong kinalaman dun, its the companys decision. I understand that their fans will get hurt but I think maiintindihan nila. Kung panonoorin nila ang pelikula, Im sure kikiligin sila," paliwanag ni Iza.
Ang Moments of Love ay nagtatampok sa tatlo, Iza, Dingdong at Karylle. Punung-puno ng matitinding emosyon ang pelikula na aantig sa mga manonood. Bagaman at di totoong loveteam sina Iza at Dingdong, maganda ang chemistry nila, kikiligin ang makakapanood sa kanila.
Bilang Marco, malaki ang iginaling ng arte ni Dingdong sa pelikula. Nagawa niyang paiyakin ang mga nanonood ng shooting sa isang eksena ng pelikula na kung saan ay naghihinagpis siya sa pagkawala ng kanyang minamahal.
Si Karylle si Lianne, ang babaeng nagmamahal kay Marco sa kasalukuyan pero, balewala siya rito.
Naipakita ng tatlo ang kanilang husay sa pag-arte sa movie tungkol sa isang lalaki sa kasalukuyan na umibig sa isang babae sa nakaraan (1957).
Di dapat palampasin ang pagkakataong makita ang tatlong kabataang artista sa isang di matatawarang pagganap simula sa Marso 29.
Nung Martes, bongga ang naging kainan namin sa office dahil ang dami-daming nagpadala ng pagkain at regalo. Paalis na ako ay nagdaratingan pa ang pagkain. Bagaman at may mga nauna na akong pinasalamatan, may dumating ring grasya from Mowelfund, GMA Corporate Communications, Globe, Jollibee, Linda Rapadas, Alex Datu, Letty Celi at Natalie Palanca. Sa kanilang lahat, salamat at sa susunod kong birthday muli!
Ito ang problema ng isang ginang na may limang anak na babae. Kaya naghahanap ito ng isang lalaking magpapakasal sa kanyang mga anak na babae. Ang kaso, ang problema ay dadalawa lamang lalaki ang dumating. Kaya nagkaron ng gulo at intrigahan sa pamilya.
Paano ito maso-solve ng ginang?
Sasagutin ito ng pelikulang Pride and Prejudice na palabas ngayon sa mga sinehan, handog ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar International Pictures.