Kasabay ng celebration ng 20th anniversary ng PSN na gaganapin sa Westin Philippine Plaza - isang malaking celebration ang paglabas ni Pacman sa PSN.
Again, maraming salamat sa nag-iisang champion ng bayan, kay Mr. Jake Joson at sa taong malapit sa kanila.
Sayang lang at bawal ang flash ng camera kaya hindi namin siya nakunan ng photo.
Ang dami ring Pinoy talents sa Disney on Parade. Mga dancers at maging don sa mga Disney characters. Ang lamig lang nang magpunta kami sa Disney HK, buti na lang at hindi umulan.
Anyway, enjoy naman although mas maliit ang Disyneyland sa Ocean Park sa Hong Kong.
Anyway, sa four days na stay namin ng Hong Kong, nakita namin na malakas ang PSN doon. May mga newsstand na PSN lang ang Tagalog paper na ibinebenta. Salamat sa lahat ng mga Pinoy na nagbabasa ng PSN diyan sa HK.
Sa HK pini-print ang PSN kaya hindi mahirap ang distribution doon.
Kahit si Lorna na nagwo-work sa isang money exchange sa HK ay regular reader ng PSN. Kaya nga up dated sila sa mga nangyayari dito sa atin.
Oh well, kung nakakahinga na ng maluwag si Rustom malamang na ganun din ang nararamdaman ni Robin ngayon.