Minsan ay inireto ito sa isang may-edad pero, super datung na businessman. Gwapo naman ito at magandang magdala ng damit. Hiwalay ito sa asawa at nakatuon lang ang pansin sa negosyo.
Nagtatawagan ang dalawa at nagdi-date paminsan-minsan pero laging atubili sa oras ang aktres kapag ginagabi na. Sanay ibibili ito ng magarang sasakyan ng businessman dahil luma na ang van nito pero, natuklasan nito na may kabit itong tomboy kaya atubili itong pakasalan siya.
Sayang dahil kung ang negosyante ang pinili ng character actress ay di na sana niya kailangang kumayod dahil sa sobrang yaman ng negosyante at baka paupo-upo na lang siya at higit sa lahat, pa-tour-tour na lang sa ibang bansa. Tsk, tsk, tsk.
KIDS TV
Saludo kami sa producer na si Genny Catu na patuloy na kumikilala sa mga batang may talento sa pamamagitan ng kanyang show na Kids TV na inilipat na sa ABC 5. Naka-7th season na ito with flying colors, ika nga.
"Children need to have an avenue for learning new things. Know the latest discovery and mysteries of Science, interact with kids their age and show up their hidden talents without hesitation," aniya.
Ang mga hosts nito ay sina Yuuki Kadooka, Maxine Lapid, Janeena Chan, Romina de Jesus, Joy Rose Yutuc, Gino Sampedro at Kharl Carpina.
Regular segments na bumubuo sa Kids TV ay Art Bulilit (arts), Bakit kaya? (Science) HIP Happening (events) at Pasyalan Natin (tourist destinations). May iba pa itong kawili-wiling portion gaya ng Lam Nyo Ba? Yan ang Style Kids, Kiddie Kalusugan at Batang Isip.
Mapapanood ito tuwing Sabado, 2:30-3:00PM simula sa Marso 18 sa ABC 5.