Tibong Hapones ang karelasyon ng sexy star

Galing ang impormasyong ito sa isang tv network insider. Sinabi niya, kung inaakala raw ng mga tao na napakalaki nga ng kinikita ng mga tv networks, dahil pinalalabas nilang ganoon nga sa kanilang mga isinasa-publikong financial statement, hindi raw totoo ’yon. Katunayan isang malaking tv network ang nalulugi, hindi dahil sa mataas na cost of production ng kanilang mga programa kung di dahil sa cost of advertising nila.

Kung napansin ninyo, hindi lang sa mga tv stations nila naglalagay ng mga merchandising materials ang mga tv shows ngayon. Makikita na rin sila sa mga naglalakihang billboards sa mga highway, at bumabayad ng mga mahal na anunsiyo sa mga diyaryo.

Bukod doon ang mga malalaking networks ay gumagasta pa ng napakalaki sa kanilang public relations campaigns, na inaabot din ng milyong piso, malaki rin kasi ang sinisingil sa kanila ng mga public relations firms na kanilang ginagamit.

Bukod doon, kailangan nilang gumamit ng makabagong teknolohiya para sa kanilang mga tv shows, gaya ng computer generated images na napakamahal, o kung hindi naman ay kailangan nilang magtapon ng milyun-milyong piso sa kanilang mga papremyo, dahil kung hindi ay hindi rin sila makaka-abante sa ratings.

Sinasabing kahit na totoo na lumalabas na mas malaki ang advertising revenues ng mga tv networks sa ngayon, ang talagang kinikita nila ay napakaliit dahil natatapon din sa kanilang malaking gastos.

Mas mabuti pa raw nung araw, basta gumagawa lamang sila ng mahuhusay na shows, maganda ang kanilang audience share, mas kumikita sila. Hindi kagaya ngayon na may mga networks na ngang maaaring magsara kahit na malaki ang revenues, dahil sa napakalaking gastos.
* * *
‘Yang si Kuya Germs ang taong hindi nakikialam sa pulitika, pero ang maaasahan mo lang sa kanya ay magbigay ng komento base sa kanyang nararamdaman bilang isang karaniwang mamamayan.

Noong isang gabi, nasabi niya, ngayong mas mahigpit ang seguridad na ginagawa ng gobyerno dahil sa ikatatahimik daw ng bayan, sana naman ay matahimik na nga ang lahat at matulungan naman ng gobyerno ang industriya ng entertainment sa ating bansa. Hindi nga maikakaila na bagsak na bagsak ang industriya ng entertainment dito sa atin ngayon, sinasampal pa ng napakalaking taxes. Na sana nga mapag-isipan naman ng gobyerno para makabangon kahit na papaano ang industriya. Palagay namin tama naman ang sinasabi ni Kuya Germs.
* * *
Isang Japanese pa rin daw ang ka-relasyon ng isang female bold star na paminsan-minsan na lang gumagawang pelikula, pero hindi yon isang boyfriend, kundi isang tomboy.

Ipinagyayabang pa raw ng female bold star na mas ok nga ang tomboy sa kanya, dahil siguradong hindi siya mabubuntis at hindi masisira ang kanyang katawan, para kung mauso ulit ang bold, pwede pa siya.

Show comments