^

PSN Showbiz

Phillip, tumutulong kina Dan, Shiela!

RATED A - Aster Amoyo -
May posibilidad na magkabalikang muli ang nagkahiwalay na mag-asawang Dan Fernandez at Shiela Ysrael.  Ayon sa mga taong malapit sa dating mag-asawa, on speaking terms na muli sina Dan at Shiela at hindi nila isinasara ang kanilang mga pintuan na muling mabuo ang kanilang pamilya.

Ang kaibigan nilang si Phillip Salvador ang gumagawa ng paraan para na muling magkabalikan ang dating mag-asawa na noong isang taon lamang ay nagpalitan ng maaanghang na mga salita laban sa isa’t isa.
* * *
Sa imbitasyon ng aming entertainment editor na si Veronica Samio, dumalo kami sa fundraising show ng STEAM Foundation, organisasyon ng mga may kapansanan sa pandinig na unang pinamunuan ni Aga Muhlach bilang chairman of the board.  Ito’y ginanap nung nakaraang Martes ng gabi sa Kowloon House sa Quezon City.  Ang fund-raising show ay pinamagatang An Ayuda Naton (Our Support).  Nakalimutan ko na ang executive directress ng STEAM Foundation ay isa palang Waray, si Rose Vergara.

Naaliw ang ating mga kasamahan sa panulat sa mga special curacha dance number kung saan apaw ang nagtatapon ng pera sa gitna ng dance floor kung saan nagsasayaw ang isa o ilang pares. First time kasi nilang makapanood ng ganito.  Naging tradisyon na ito sa mga Waray sa tuwing may mahahalagang okasyon o pagtitipon, hindi kumpleto ang pagtitipon kung walang curacha dance number.

Ang perang nakalap ay makakatulong ng malaki sa STEAM Foundation na patuloy na tumutulong at gumagabay sa mga beneficiaries ng nasabing organisasyon.
* * *
E-mail: [email protected]

AGA MUHLACH

AN AYUDA NATON

DAN FERNANDEZ

KOWLOON HOUSE

OUR SUPPORT

PHILLIP SALVADOR

QUEZON CITY

ROSE VERGARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with