Bihira nga naman kasi ang magagalang na kabataan ngayon na tulad ni Sam. Gayong nag-aapurang bumalik ng Maynila dahil may isa pa itong commitment, ni hindi nagpakita ng pagkainip ito sa haba ng pageant. Si Azenith Briones ang punong abala at chairman ng beauty pageant ng gabing iyon. Ito rin ang nag-imbita sa mga naging hurado, sina Beth Oropesa, Merlita Anotino, fashion model, Chito Alcid at Gabriel Gamboa, Ginoong Pilipinas 2006.
Gumanap na host ang actor na taga-San Luis, Aurora si John Arcilla.
Umuwi din ng Maynila ng gabing yon si Sam kasama ng mga handler ng ABS-CBN. Hindi sila nagpigil kahit sabihin na mayroon silang-free Hotel room dun. Labingwalong oras ang biyahe patungong Baler at pauwi ng Maynila. Na feel din ng mga tagahanga ang sobrang pagod at antok ni Sam pero wala itong reklamo. Batid nito na yon ang kapalit ng kanyang tagumpay bilang isang ganap ng celebrity. VIR GONZALES