Sa probinsya ko sa Iba, Zambales, tuwing may kasal lamang lumalabas ang pera at ikinakabit ito ng mga kamag-anak ng mga ikinasal sa damit ng bride at groom habang nagsasayaw sila.
Sa curacha na isinayaw ng tatlong pareha ng magkakahiwalay ay literal na hinagisan ang mga nagsasayaw ng pera sa katuwaan ng lahat ng mga nakatingin at nanonood sa kanila. Sabi ng Waray na si Aster Amoyo, dapat daw ang lalaking nagsasayaw ang magpasimula ng pag-iitsa ng pera bilang handog sa kapareha niya. Nanghihinayang lamang ako at di ko naitanong kung sino sa mga magkakapareha ang nakakolekta ng pinaka-maraming pera.
Ang curacha ay isa lamang sa mga aktibidad ng kauna-unahang community social advocacy campaign ng STEAM Foundation na unang pinamunuan ni Aga Muhlach bilang chairman of the board pero isinalin na niya ito sa isang non-hearing, kay Cromwell Umali, na siyang tumatayong pangulo ng STEAM Foundation, sa pamamatnubay ng mag-asawang Ogie at Rose Vergara, exec. directors ng STEAM Foundation.
Ang kinita sa nasabing campaign na isa ring dinner-dance na tinawag nilang An Ayuda Naton (Our Support) ay gagamitin para sa Little Christines HELP (health, education and livelihood program) Cubicle na magbibigay ng edukasyon sa mga kabataang bingi at mga magulang nila sa pamamagitan ng pag-aaral ng sign language para sila magkaron ng komunikasyon. Kalimitang problema ng mga bingi ay ang kawalan nila ng komunikasyon sa kanilang mga magulang, hindi sila nagkakaintindihan dahil di nila alam kung papaano. Sa tulong ng STEAM, malulunasan ang problemang ito.
Nagpapasalamat ako sa mga kasamahan ko sa media na nagpaunlak sa aking imbitasyon na ma-kober ang fundraising at maibalita sa marami na mayron ding organisasyon na tulad ng STEAM na tumutulong sa mga walang pandinig, Aster Amoyo, Cris Belen, Ethel Ramos, Emy Abuan, Vinia Vivar, Ian Fariñas, Reggee Bonoan, Len Llanes, Ben dela Cruz, Eugene Asis, Billy Balbastro, Ed de Leon at Vir Gonzales. Thank you din kina John Nite at Sharmaine Santiago na tumulong mag-host ng affair.
Salamat din sa maraming mahahalagang personalidad na dumalo at nag-donate para sa pangangailangan ng mga bingi.
Ang programa na pinamagatan ding Kerygma ay magtatampok ng ibat ibang mukha ng tagumpay na inaasahang magbibigay ng inspirasyon dahilan sa mga tagumpay ng mga tao di lamang sa mga bagay na materyal kundi maging sa family bonds na pinatatag ng pagsubok at mga hamon sa buhay.
"Itinuturing kong pinaka-malaking pagbabago sa buhay ko yung recognition, sarap ng feeling kapag nakikilala ng mga di mo kakilala. Ang mahirap lang, di na ako makapunta sa mga lugar na dati kong pinupuntahan.
Regular siyang napapanood sa SOP sa GMA7 at My Guardian Abby sa QTV 11. Lumabas na rin ang debut album niyang "On My Own" under GMA Records.
Mahirap ang maging sikat pero, di nagre-reklamo si Jonalyn.