Gustong linawin ni
Cristina Decena, ex-girlfriend ni
Phillip Salvador na wala silang relasyon ngayon ni ex-mayor
Rey Malonzo.
Mag-business partner silang dalawa kung saan bumibili sila ng lupa na patatayuan ng mga townhouses at pagkatapos ay ibinibenta rin nila ito.
Kung lumabas man silang dalawa ay negosyo ang kanilang pinag-uusapan at di lang naman sila lang ang magkasama. Aware si Cristina na maligayang namumuhay si Rey sa piling ni
Gigi Malonzo at mga anak. Kung iibig man siya ay dun na sa lalaking walang sabit ayon pa dito.
Iwa, Kakayaning Pumatay Kung Kinakailangan! |
Ayon kay
Iwa Moto, noon sana ay handa na siyang mag-quit sa
StarStruck competition dahil sa dami ng intriga at naipon lahat ang tension sa dibdib pero lumaban siya dahil kailangan niyang manalo for financial reason kung saan maysakit pa ang kapatid.
Pero iba ang ugali ni Iwa dahil brutally frank ito. Sabi nga niya, "Kapag sinaktan ako ay sasaktan ko rin siya. Kakayanin kong pumatay kung karapat-dapat siyang patayin." Matapang di ba?
Inaabangan Na Ang Hermans Hermits |
Ang legendary group na
Hermans Hermits ay nakatakdang mag-konsyerto sa Araneta Coliseum sa March 17 at March 18 sa Manila Hotel. Itoy pinangungunahan ni
Peter Noone, lead singer ng grupo at ang pamagat ng konsyerto ay
Hermans Hermits Starring Peter Noone: Live All Over The World.
Sumikat ang grupo noong 60s at ilan sa mga sikat nilang awitin ay "Im Into Something Good", "Mrs. Brown Youve Got A Lovely Daughter", atbp.
Sa mga nais bumili ng ticket, pumunta sa Araneta Coliseum Box Office o sa SM Ticketnet. Available din ang ticket sa Manila Hotel (with dinner).
Aeon Flux, Humahataw Pa Rin |
Nasa third week na ang pelikulang
Aeon Flux na tinatampukan ni
Charlize Theron. Magaling kasi itong aktres at nakilala rin sa aksyon. May following na ito na napanood sa
The Devils Advocate,
The Cider House Rules at sa
Monster kung saan bumagay sa kanya ang role kaya nakamit nito ang Best Actress Award.
BLIND ITEM: Pina-Package Deal Ang Nobyo? |
Marami ngayon ang commercial ng basketball player na karelasyon ng sikat na actress-TV host. Gaano katotoo ang balita na kapag may inaalok na komersyal sa magaling na host na may ibang talent doon ay isisingit niya ang nobyo ayon sa isang source.
Kailangan niyang kumita rin ng malaki para may magastos sa kasal nila ng kanyang nobya. Ayaw niyang maki-share ang kanyang mahal dahil may sarili itong paninindigan at di aasa sa nobya.