Mark, magpapa-sexy na!

Napakabilis ng pag-unlad ni Mark Bautista! Parang kailan lamang nang una ko siyang ma-interview at nun ang gusto lang niya ay magkaro’n ng cellphone. Ngayon, makaraan ang tatlong taon, kayang-kaya na niyang bumili maging ng pinaka-latest na cellphone pero, hindi ito ang prioridad niya kundi ang pagpapatatag ng kanyang future, maging ng pamilya niya.

Mayro’n nang piggery na inaasikaso ang kanyang ama.

Nagpapatakbo na rin ng restaurant ang kanyang ina. Nakabili na rin siya ng sarili nilang lupa sa probinsya. Ang mga ipinuhunan dito ay galing sa kita niya sa pagkanta.

Nakabili na rin siya ng sarili niyang kotse. Minsan ay ipinagmamaneho pa rin siya ng kanyang lolo pero kadalasan ay siya na ang naghahatid sa kanyang sarili sa kanyang trabaho. Marami na ang humihikayat sa kanyang magpalit na ng kotse pero, ayaw niyang sirain ang momentum ng kanyang pag-iipon. "Mahirap ang panahon, kailangang mag-ipon," katwiran niya.

Bahagi rin ng pagpapatatag ng kanyang kinabukasan ang pagpapaunlad ng kanyang career.

Magkakaro’n siya ng kanyang first major solo concert, Pop Hearththrob, sa Aliw Theater sa Marso 24, 8NG. Makakasama niya sina Sarah Geronimo, Juris ng grupong MYMP, Ogie Alcasid at Rufa Mae Quinto sa direksyon ni GM Sampedro with musical direction from Mark Lopez.

Isang seksing Mark ang makikita sa concert. Katulad nang pagpayag niyang lumbas sa isang May-December love story sa Maalaala Mo Kaya katambal si Gloria Diaz. Daring and baring din siya sa mga music video ng kanyang mga awiting "I Need You" ka-partner si Anne Curtis at "You Win The Game" kasama naman si Vanna Garcia. Parehong galing sa kanyang album na "Mark Bautista: Dream On" ang dalawang kanta.

"Nag-decide na akong magpalit ng image para rin sa kabutihan ng aking career, para hindi magsawa ang tao," sabi niya.
* * *
Bumalik na naman ang swerte ni Aiai delas Alas. Yung huli niyang product endorsement, yung Maggi Magic Sarap ay may kinalaman sa isang bagay na gustung-gusto niya, ang pagluluto. Katunayan, nagbabayad pa siya ng malaking halaga para lamang matuto sa pagluluto.

"I’ve always loved cooking. Maliban sa pagpapatawa, nasa dugo ko rin yata ito.

"Tayong mga babae kahit nagtatrabaho tayo, pagdating sa bahay, iba na ang papel natin. Nanay na tayo, friend pa tayo ng mga anak natin. Gaya ko, barkada kumbaga ng mga anak ko. Otherwise, I’ll be left behind," dagdag niya.

Kung si Aiai gumagamit ng Maggi Magic Sarap sa pagsasangag ng kanin, lalo na sa umaga, pwede rin itong gamitin sa lutuing fried, stir-fried, stewed, saucy, grilled, baked, boiled, brothed, steamed at maski na yung sinabawang pagkain.
* * *
veronica@philstar.net.ph

Show comments