Speaking of Guy, sayang at wala ito sa bansa sa pagpapalabas ng Pelikula at Lipunan Film Festival na pinamagatang Aktres na nagbukas nung nakaraang Pebrero 22 at magtatapos sa darating na Marso 17 sa Cineplex ng Gateway Mall sa may Araneta Center sa Cubao, Quezon City kung saan dalawa sa mga klasikong pelikula ni Guy ang ipinalabas, ang Tatlong Taong Walang Diyos at ang Bulaklak ng City Jail na parehong dinirek ni Mario OHara.
Ang dalawang nasabing pelikula ay ipinalabas nung nakaraang Pebrero 25 (Sabado) at isinabay na rin dito ang pamamahagi ng ICON (International Circle of Online Noranians) ng mga Lifetime Achievement Award for Excellence in Film Acting sa mahuhusay na aktres na maraming beses nakatrabho ng superstar tulad nina Gloria Sevilla, Perla Bautista, Nova Villa, Bella Flores at Caridad Sanchez.
Tumanggap din ng parangal si Mario OHara ganundin ang pinakamatandang buhay na Noranian, ang 95-year-old na si Aling Esther Puesca.
May mga exhibit din sa labas ng Cineplex sa Gateway ng mga rare photograps at memorabilia ng superstar.
Bukod kina Gloria Sevilla, Direk Mario OHara at Aling Esther, dumalo rin sa nasabing okasyon ang award-winning writer na si Ricky Lee, ang talent manager na si Angge Lee at ang mga anak ni Guy na sina Lotlot, Matet at Kenneth. Kasama ni Matet ang kanyang one-year-old daughter na si Mika at and kanyang mga in-laws. Kay Matet at asawa nitong si Mickey Estrada nakatira si Kenneth habang si Kiko naman ay nakatira kay Lotlot.
Si Yeye Roque ng Cuts for the Kids Plus ang nag-asikaso sa lahat habang ang Josiahs Catering naman ang naghanda ng masasarap na pagkain. Napakaganda ng ayos ng lugar na animoy isang fantasy land. Bukod sa bird at animal show, magic, fun games at iba pa, namigay ang mag-asawang Julius at Tintin ng tatlong complete set ng aquarium.
Napakarami ng batang dumating. Siyempre, kasama ang kanilang mga parents at mga yaya.