^

PSN Showbiz

Anak ni Kuh, tsinapter sa ASAP!

-
Hindi namin napanood ang ASAP 06 last Sunday kaya hindi namin alam ang eksenang ikinwento sa amin ng taga-ASAP mismo.

Tsinapter nila ang anak ni Kuh Ledesma na si Isabella dahil super sintunado raw ito sa dueto nila ni Piolo Pascual na "What About Love."

"Ano ba naman itong si Isabella, naturingang magaling na singer ang ina, e, sintunado? Magka-iba ang 2nd voice sa sintunado, susme, pinapahiya niya ang nanay niya.

"Dapat magsanay muna siya bago siya sumabak sa professional singing ‘no, teka, sino ba dapat ang magturo sa kanya, si Kuh ba?" say sa amin.
* * *
Out na si Jimmy Bondoc sa mga lalaking nali-link ngayon kay Ara Mina dahil may girlfriend na ang acoustic singer, isang Communication Arts graduating student ng Ateneo de Manila University at part time stage actress din.

Nagulat kami sa kwentong ito ni Jimmy dahil kamakailan lang ay itinutukso pa ito kay Ara dahil dumalo siya sa launching ng album na "Moving On" sa Teatrino at ngayo’y biglang may jowa na siya?

"Kasasagot lang sa akin, last February 21, kaya ang saya-saya ko, matagal ko na kasing crush ‘tong girl na naging girlfriend ko ngayon, dream girl ko talaga," bungad na kwento ni Jimmy.

At for the record ay inamin din ng singer na hindi siya nanligaw kay Ara kundi good friends lang daw sila dahil hindi showbiz na tao ang dating sexy star.

Ayaw na ring pag-usapan ni Jimmy ang ex-girlfriend niyang si Nina dahil masaya na raw ito sa boyfriend nito ngayon at "goodluck" ang tanging nasabi niya para sa dalawa na inamin din niyang hindi pa sila nagkikita’t nagkakausap pa.

"Actually, wala namang dapat pag-usapan na, eh. Masaya na sila, masaya rin ako ngayon, so walang problema.  Trabaho na lang lahat tayo," pangangatwiran ni Jimmy.

Mukhang totally nakalimutan na nga ni Jimmy ang ex-girlfriend niyang singer dahil iba na ang aura niya ngayon, maayos na ang buhok, maganda na ang katawan at parati nang nakangiti, di tulad dati na akala mo pasan niya ang daigdig.

"Yeah, I can proudly say that I’m very happy now and Iam very proud with my girlfriend now, sana, sana kami na. Know what, before hindi ako nagpa-plano para sa future ko, basta, kanta lang ako, now it’s different na, parang bigla na akong nag-plano para sa future ko.

"I think, this is one that I’m going to be with for the rest of my life, although bago palang kami, pero iba ang feeling ko now, parang ang tagal-tagal ko na siyang kakilala?" paliwanag pa.

Samantala, bisi-bisihan si Jimmy sa gigs niya sa Baga Berde at Ratsky Malate (Wednesday) at sa bagong tayo niyang Musikero Cafe along Scout Ybardolaza at sa 2nd floor ng bahay niya ay para sa mga gustong mag-voice lesson at workshop.
* * *
Inabangan namin ang programang Sharon ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday kesehodang late na siyang pumasok dahil nga sa coverage ng kunu-kunong coup d ‘etat.

Anyway, hindi kami gaanong na-impress sa pilot episode ng Sharon dahil medyo boring at mabagal ang pacing at pawang wala ng bago sa mga tinanong niya sa mga guest niyang artista dahil ilang taon na rin namang paulit-ulit ang tanong na ‘yun kina Albert Martinez, Martin Nievera, Judy Ann Santos (except may Ryan Agoncillo siya).

Maging ang tungkol kina Congressman Chiz Escudero ay napanood na namin noon sa Rated K, kay Secretary Mike Defensor lang ang bago at do’n sa mga hindi kilalang personalidad.

Mas nag-enjoy kaming panoorin ang pagbi-bake ni Sharon ng carrot cake at tingnan ang ayos ng kusina niya, maging ang mga bagay na kinukulekta niya ay nagustuhan namin at higit sa lahat, binigyan kami ng ideya ni Sharon na sa piggy jar niya inilalagay ang iba-ibang denomination ng coins.

As of this writing ay wala pa kaming nakuhang ratings ng show at ito rin daw ang hinihintay ng mga taga-Dos.
* * *
Maraming naiirita na kay Christian Vasquez sa Bahay ni Kuya dahil "super pasaway" na raw ito at sobrang daldal.

"Feeling ko, bading ‘yan si Christian, saan ka nakakita ng lalaking sobrang daldal, tsismoso na kung anu-ano ang pinakikialaman.

"At panay ang tukso niya kay Zanjoe kay Bianca (Gonzales), di kaya siya ang may gusto kay Zanjoe at tine-test lang niya ang reaksyon nito?" say sa amin ng taga-ABS-CBN.

Dagdag pa, "Hindi na nakapagtataka kung siya na ang mapalayas sa Bahay ni Kuya next week, at least si Rustom, kino-kontrol ang sarili, hindi na masyadong madaldal." REGGEE BONOAN

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ARA MINA

BAGA BERDE

CHIZ ESCUDERO

DAHIL

KAY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with