Presidente ng ABS-CBN, nag-resign na!

Nag-resign na ang ABS-CBN President and Chief  Operating Officer  Luis F. Alejandro.

Sa isang press statement na ipinadala ng ABS-CBN: "ABS-CBN President and Chief  Operating Officer  Luis F. Alejandro has resigned to rejoin starting March 16, 2006 packaged food industry leader NutriAsia, his former employer, which recently acquired controlling interest in Del Monte Pacific Limited together with San Miguel Corporation.

"This was jointly announced by Eugenio Lopez III, Chairman and CEO of ABS-CBN and Joselito D. Campos Jr., Chairman and CEO of NutriAsia.

"Mr. Eugenio Lopez III will assume the Presidency of ABS-CBN.

"Alejandro joined ABS-CBN in 2004 on a two-year contract with the main mandate of effecting organizational restructuring and systems changes in the network, to improve its competitiveness and marketing orientation in the changing business environment of mass media.

"At ABS-CBN, Alejandro presided over the restructuring of the network, trimming staff and redesigning the network’s organization as well as instituting management practices, all of which will help make the network more responsive to a highly competitive environment, in order to further expand its leadership position in the industry.

"Discussions between Messrs. Lopez and Alejandro started months ago, and Mr. Lopez respects this personal career move of Mr. Alejandro. Alejandro also reported that he has in any case accomplished much of his principal mission at ABS-CBN. Alejandro’s joining NutriAsia builds on his 24 years of combined experience in multinational consumer goods general management and brand/marketing operations
."

Naging issue ang pagri-resign ni Mr. Alejandro dahil kumalat ito pagkatapos ng trahedya sa ULTRA na ikinasawi ng mahigit 70 katao at ikinasugat ng napakarami pa.

"Palagay ko sobrang pressure ang nararamdaman niya kaya nag-decide na ring mag-resign," sabi ng source sa ABS-CBN.
* * *
>Isang buwan din palang nag-stay sa Guam ang Hotbabes na sina Gwen Garci, Myles Hernandez, Jaycee Parker and Jennifer Lee. As in sa loob ng panahong ‘yun, nag-show lang sila sa Alindog Club. Kaya nga nang tanungin namin si Jennifer, bida sa pelikulang Coed Scandal na naka-schedule ipalabas on March 8, kung malaki ba ang kinita niya, ngiti lang ang sagot niya na parang malaki nga. Obvious kasi, dahil parang ang dami niyang dalang pasalubong.

"Grabe kahit gabi-gabi kami nagso-show, parang hindi nagsasawa ang mga tao. Hit na hit sa kanila ‘yung "Bulaklak," "Basketball," "Kikay," lahat halos ng songs namin, enjoy sila," sabi ni Jennifer in an interview.

Kaya lang para raw siyang nag-gain ng weight dahil puro steak ang kinakain nila. Medyo nangitim din daw siya dahil para ring Philippines ang weather, tropical.

Anyway, suwerte si Jennifer dahil naka-focus ngayon ang attention ng Viva sa kanya. After Jaycee Parker na ini-launch via Ilusyon kung saan siya introducing, siya naman ang binigyan ng launching movie, Coed Scandal co starring Avi Siwa and Ryan Eigenmann.

Nag-all the way si Jennifer dito although ‘yun naman daw mga frontal shots, malayo kaya hindi gaanong kita.

Grabe rin ang lovescene nila ni Avi. Si Avi ay declared lesbian. In fact, naging co-host siya sa Out ng GMA 7.

Kaya lang, wala si Avi during the presscon. Akala raw nito, sa Tuesday ang presscon. Sayang sana natanong namin siya kung gaano ka-daring ang lovescene nila.

Si Jennifer, straight from the airport nang dumating siya sa presscon. Umuwi lang daw siya sandali saka dumiretso na sa presscon.

Anyway, going back to the movie. Aside from Avi, grabe rin daw ang lovescene niya with Ryan. Actually, ngayon lang magpapa-sexy si Ryan sa movie kaya interesting panoorin.

Half Korean pala ang father ni Jennifer. Pero hiwalay na ang parents niya. Narito sa ‘Pinas ang father niya. At kung ito (father) ang tatanungin, ayaw sana nitong mag-bold siya. Pero old enough na raw siya para mag-decide para sa kanyang sarili.

Articulate si Jennifer. Kasi naman, naka-second year college siya. Sa St. Scho siya nag-first year college. Pero masyadong strict sa nasabing school kaya nag-transfer siya sa University of the East. Kaya lang, hindi rin naman siya naka-graduate dahil nag-showbiz nga siya. Pero wala naman siyang regret sa naging decision niya dahil maganda naman ang takbo ng career ng Hot Babe ngayon.

Bale second movie lang ito ni Jennifer. Una niyang ginawa ang Ilusyon. She portrayed the role ng 15 years old na malanding student sa nasabing movie.

At any rate, movie version ito ng mga lumabas na Coed Scandal ng mga pirated copies na naglabasan noon.

Showing sa March 8 ang Coed Scandal na dinirek ni Robert Quebral for Viva Digital.
* * *
Magkakaroon ng grand fans day ang Cueshé on March 5, Sunday 4:00 p.m. at the Trade Hall, 4th Floor Robinson’s Galleria.

Actually, marami nang naghihintay sa fans day ng grupo.

Last year lang nang mag-migrate sa Maynila ang grupo from Cebu para tuparin ang life long dream nila, ang magkaroon ng career dito sa Maynila. Hindi naman naging madali ang naging decision sa kanila - ang bandang binubuo nina Jay Justiniana (vocals), Ruben Caballero (vocals, guitar), Jovan Mabini (lead guitar), Jhunjie Dosdos (keyboard), Fritz Labrado (bassist, songwriter) and Mike Manaloto (drummer, songwriter). "We’re doing okay in Cebu but there seemed to be something that was lacking. That’s why we decided to take the plunge," sabi ni Mike na drummer and songwriter ng grupo.

At kapalaran siguro talaga nilang sumikat kaya naman hindi pa sila natatagalan sa Maynila, nag-hit agad ang record nilang "Stay." Nagtuluy-tuloy ang career nila hanggang maging hottest band sila. After "Stay," nasundan pa yun ng phenomenal hit singles na "Sorry" and "Ulan" proving na hindi sila ang kasama sa sinasabing ‘one hit wonders.’ Ang kanilang latest single, "Can’t Let You Go" ay kasalukuyang way up charts.

Ang kanilang debut album Half Empty, Half Full ay turned platinum selling more than 30,000 copies sa loob lang ng six months kasama pa ang mga successful concerts and sold-out gigs.

So kitakits sa fans day ng Cueshé.
* * *
Kasama si Lucy Torres-Gomez sa celebration ng Ballet Philippines - sa 36th season finale na Tango Filipino/La Divina, extremely hot blend of bodies ng ballet and ballroom style na magaganap sa March 17-19 (2:00 p.m. matinee/8:00 p.m. gala) sa Tanghalang Nicanor Abelardo (main theater) ng Cultural Center of the Philippines.

For ticket inquiries, please call 552-1003, 5510221 or 832-6011. Available din ang ticket sa Ticketworld.

Show comments