Ang alam namin, libreng pumirma ng kontrata sa Ch. 7 at ibang network si Marvin dahil wala na siyang kontrata sa ABS-CBN. Pero, pinigilan muna siyang mag-guest sa Siete kaya, hindi na uli siya naggi-guest sa nasabing network.
Sabagay, turn-off kung ngayon magsasalita si Marvin sa diumanoy nalalapit niyang paglipat sa Ch. 7 dahil gumagawa siya ng pelikula sa Star Cinema, ang movie arm ng Ch. 2. Hindi maganda kung ngayon siya lilipat habang gumagawa siya ng pelikula. Wait na nga lang tayo sa mga susunod na balita.
Nanood sa Broadway Centrum ang girlfriend ni Gian na si Megan Young at si Benj Pacia na nali-link kay Iwa. Nakita rin namin si Ryza Cenon na tiyak nag-root kay Marky.
Idagdag pang Nancy and John look good together at bagay din sila pati sa height dahil pareho silang maliit. Nagulat lang kami kay Nancy dahil a few weeks ago, kai-interview lang sa kanyat heartbroken ito sa break-up nila ng ex-boyfriendng si Bullet Jalosjos. Madali pala siyang naka-move on kung totoo na itong sa kanila ni John. Hindi ba, parang ang daling ma-in love ng actress?
Coño itong si BJ at Inglisero at ganito ang means of communications nilang mag-dyowa. No wonder, nadadala ito ng dalaga kahit hindi ang boyfriend ang kasama.
Kinorek pala nang nakakaalam sa love story ng dalawa ang nasulat na three months na silang on. Nitong February lang daw sinagot ni Meryll si BJ na three months nanligaw sa kanya. Nang sagutin ang binatay, tinawagan nito ang kaibigang si Rica Peralejo na ex-girlfriend ng binata para ipaalam na sila na.
Nagko-compliment sina Meryll at BJ at sana ngay walang komontra sa kanilang relasyon at magtagal sila.