^

PSN Showbiz

Nancy, mabilis magpalit ng bf!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Si Orly Ilacad na pala ang manager ni Marvin Agustin at ibig sabihin, si Mr. Ilacad na ang makikialam sa career ng actor. Sa kanya kaya namin itanong ang estado ng nababalitang paglipat ng actor sa GMA-7?

Ang alam namin, libreng pumirma ng kontrata sa Ch. 7 at ibang network si Marvin dahil wala na siyang kontrata sa ABS-CBN. Pero, pinigilan muna siyang mag-guest sa Siete kaya, hindi na uli siya naggi-guest sa nasabing network.

Sabagay, turn-off kung ngayon magsasalita si Marvin sa diumano’y nalalapit niyang paglipat sa Ch. 7 dahil gumagawa siya ng pelikula sa Star Cinema, ang movie arm ng Ch. 2. Hindi maganda kung ngayon siya lilipat habang gumagawa siya ng pelikula. Wait na nga lang tayo sa mga susunod na balita.
* * *
Pagkatapos maipakilala ang Final 4 ng StarStruck 3 na binubuo nina Jackie Rice, Iwa Moto, Gian Carlos at Marky Cielo, paghahandaan na nila ang Final Judgment. Gagawin sa Marikina Sports Park sa March 12, 7:00 pm ang pagpili ng Ultimate Survivors at Sole Survivor. Free admission ito at manood lang sa announcement ng GMA-7 kung paano makakakuha ng free tickets.

Nanood sa Broadway Centrum ang girlfriend ni Gian na si Megan Young at si Benj Pacia na nali-link kay Iwa. Nakita rin namin si Ryza Cenon na tiyak nag-root kay Marky.
* * *
Tanggap daw ng parents ni John Prats ang anumang relasyon nito kay Nancy Castiglione. Okey lang sa kanila kung naging madali ang pagkakamabutihan ng dalawa’t pareho naman silang libre.

Idagdag pang Nancy and John look good together at bagay din sila pati sa height dahil pareho silang maliit. Nagulat lang kami kay Nancy dahil a few weeks ago, kai-interview lang sa kanya’t heartbroken ito sa break-up nila ng ex-boyfriend’ng si Bullet Jalosjos. Madali pala siyang naka-move on kung totoo na itong sa kanila ni John. Hindi ba, parang ang daling ma-in love ng actress?
* * *
Napapansin ang madalas na pang-i-English ni Meryll Soriano kapag ini-interview. Biniro tuloy itong influence ng boyfriend niyang si Bernard Palanca ang pagiging Iglisera na ikinatawa ng actress. Marunong daw siyang mag-English wala pa man si BJ sa buhay niya pero, wala lang siyang mapaggamitan.

Coño itong si BJ at Inglisero at ganito ang means of communications nilang mag-dyowa. No wonder, nadadala ito ng dalaga kahit hindi ang boyfriend ang kasama.

Kinorek pala nang nakakaalam sa love story ng dalawa ang nasulat na three months na silang on. Nitong February lang daw sinagot ni Meryll si BJ na three months nanligaw sa kanya. Nang sagutin ang binata’y, tinawagan nito ang kaibigang si Rica Peralejo na ex-girlfriend ng binata para ipaalam na sila na.

Nagko-compliment sina Meryll at BJ at sana nga’y walang komontra sa kanilang relasyon at magtagal sila.

vuukle comment

BENJ PACIA

BERNARD PALANCA

BROADWAY CENTRUM

BULLET JALOSJOS

FINAL JUDGMENT

GIAN CARLOS

IWA MOTO

JACKIE RICE

JOHN PRATS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with