Rufa Mae, gusto nang mabuntis

Sa darating na Mayo ay 28 years old na si Rufa Mae Quinto at magiging espesyal na araw ito dahil magkakaroon siya ng birthday concert titled "Rufa Mae Quinto Bombshell Unleashed" kung saan gagayahin nito sina Madonna, Jennifer Lopez at iba pa.

Dahil importante ang araw na ito ay gusto niyang mapanood siya ng nobyong si Rudy Hatfield kaya lang hindi naman ito pwede. Gayunpaman, magkikita naman silang dalawa sa Amerika kung saan doon magi-spend ng Holy Week ang seksing aktres.

Kung si Rufa Mae ang masusunod, gusto na niyang magpakasal at magkaanak bago sumapit sa edad na 30 anyos. Natatakot siyang baka mahirapan sa pagbubuntis kapag sumapit sa edad na ito.

May posibilidad ba na mag-asawa na siya next year?

Ayon sa aktres, may posibilidad na mangyari ito kaya tinatapos na niya ang lahat ng commitment.
Balik-Encantadia
Excited si Jennylyn Mercado sa kanyang pagbabalik sa fantaseryeng Encantadia kung saan guest siya for one week. Nami-miss din ng magandang aktres ang mga kasamahan nito sa fantaserye gaya nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle at Diana Zubiri. Tiyak na marami na naman silang pag-uusapan tungkol sa kanyang lovelife at manliligaw niya ngayon.

Sa kabilang banda, malaki ang natutunan ni JayR sa pagbigkas ng wastong Tagalog sapul nang mapasama sa Encantadia. Bilang si Azulan. Kahit malalim ang mga salitang ginagamit ay naiintindihan naman ito ni JayR dahil gusto niyang matuto agad sa matatalas na pagbigkas na mga salita.
Mga Asong Dinadamitan
Tiyak na matutuwa ang mga manonood ng Sis dahil pati mga aso ay dinadamitan na rin.

Ang mga stars, pang-Hollywood man o local artist, mga doggie ang bitbit sa kanilang pagrampa.

Bukas sa Sis ay may kakaibang gimik. Magbibigay ang guest veterinarian na si Dr. Raymund de Villa at Michael de Mesa ng latest trend sa outfit, accessories at grooming para sa mga doggie kasama ang inyong paboritong celebities na sina Charmagne Piamonte, Sheree, Carlo Maceda, Michael Garcia, LJ Reyes at ang Abstract dancers.
Maharot
Naimbitahan kami sa paglulunsad ng Kamikazee album titled "Kaharot" kung saan ang carrier single ay "Narda" na humahataw ngayon sa records chart.

Ang Kamikazee’s cover Britney Spear’s "Lucky" ang nagbigay sa kanila ng Best Music Video award sa MTV Pilipinas Music Awards noong 2003.

Ang mga bumubuo ng Kamikazee ay si Allan Burdeos (drums) Jason Astete (bass); Lad Tuyay (guitars); Jomal Linao ( guitars at second vocals at si Jay Contreras (lead vocals) na may kasamang staunts.
Blind Item: Nagpatanggal Ng Eyebags
Nagpatanggal ng eyebags ang isang sikat na aktor -singer.

Ipinaglilihim ng aktor ang pagpapatanggal ng eyebags at sinasabi sa mga nagtatanong na nakuha lang ito sa massage.

Napilitang magpatanggal ng eyebags ang singer at nagpapayat din dahil pangako ng kanyang manager na bibigyan na siya ng solo album. Bukod sa magaling umarte ay mahusay din itong kumanta kaya naiimbitaham din sa mga shows sa loob at labas ng bansa.
Maraming Salamat!
Sa Caloocan Bantayog Jaycees na pinamumunuan ng mga batang opisyales at incoming president na si Mr. Conrad Dieza dahil sa pagkakaloob sa amin ng Bantayog Presidential Achiever’s Awards for educatioin, Socio-Civic Humanitarian & Media journalism noong Biyernes. Makakaasa kayo sa tuluy-tuloy naming pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Chapter) gayundin para maiangat ang antas ng mga kababaihan lalo na againts domestic violence.

Show comments