Gaya na lamang nang nangyari sa fiesta sa Taytay a few days ago. Nag-motorcade ang mga Kapuso stars na kanyang kinabibilangan. Super sigaw ang tao sa mga pangalan ng mga kasama ni Isabel sa sasakyan na lumilibot pero, walang tumatawag sa kanyang pangalan. "Si Sugo," ang itinawag sa kanya ng fans at talo siya ni Diego, ang bading na taga-Bubble Gang at Hokus Pokus na sa pangalan tinatawag.
Mas lalo pa nitong makakalimutan ang pangalan ng dalaga dahil sa Season 9 ng Love to Love na lang siya regular napapanood at malapit na rin itong magwakas. Unfortunately, hindi masyadong nag-klik ang loveteam nila ni Richard Gutierrez unlike the Angel Locsin-Richard tandem na tumatak sa tao.
Kasama si Isabel sa cast ng Moments of Love at sanay mabigyan siya ng tamang exposure ng GMA Films para malaman ng tao na ka-join siya sa movie.
Excited na rin siya sa pelikulang pagsasamahan nila ni Sen. Bong Revilla at wish nitoy magkaroon sila ng kissing scene.
Nakita rin naming rumarampa sa Gateway Mall si Jackie Rice with some friends. Hindi rin namin ginambala ang kanilang pagmo-malling para lang tanungin sa chance niyang mapasama sa Final 4.