Ikalawang taon na ng nasabing paligsahan na layuning makatuklas ng mga magagandang lalaking mag-aaral. Di bale na kung di ka masyadong matalino o kakaunti ang talento. Ang importante ay mayron kang magandang mukha at may malabis na pagnanais na makatapos ng pag-aaral.
Ayon sa Redline Talent Management & Advertising, Inc na nagtataguyod ng nasabing paligsahan, marami ang nag-apply sa kanila sa taong ito pero, marami rin ang hindi natanggap dahil nagsinungaling sila, nagsabing nag-aaral pero nang imbestigahan ay di pala totoong enrolled sila.
Ang mga kandidato sa Mr. Campus Face Philippines 2006 ay sina Keneth Garceniego, 16, Univ. of Perpetual Help; Mike Giovanni Opone, 19, University of Cebu-Banilad Campus; Dexter Castro, 19, Metropolitan Hospital College of Nursing; Alveen Kerenz Amazona, 16, Metro Manila College; Raymond Polo, 17, FEU; Calvin Pua, 20, FEU; Jerold Irizari, 17, Univ. of San Carlos; Justin Reynoso, 16, St. Josephs College; Anthony Buendia, 21, Marikina Institute of Science & Technology; Ryugi Fortuna, 19, Colegio de San Juan de Letran-Calamba; Vincent Jose, 18, Adamson Univ.; Lanier Lee, 21, DLSU-College of St. Benilde; Ricky Lin, 20, Our Lady of Fatima Univ.; Michael Rubio, 17, UE; Bill Gallardo, 21, FEU; Brian Enriquez, 21, AMA Computer College; Spark Ding, 21, Our Lady of Fatima College; Chuck Nolasco, 18, PUP; Jeremiah Fernando, 16, Sto. Niño School of Muntinlupa; Reynard Llanes, 20, Southeast Asian College; Carl Maree, 16, Lords Angels Montessori School; Bienmark Nebreja, 17, San Francisco High School; Irish Ivan Falguera, 16, Rizal High School; Earl Francis Colina, 19, Cebu Normal Univ.; Rhamric Simpron, 18, Univ. of San Carlos; Rouchard Rosales, 19, Univ. of Cebu; Andrew Morgan, 17, North Fairview High School at Richard Santdas, 20, Rizal Univ.
Gaganapin ang Mr. Campus Face Philippines sa Marso 5, sa Metro Bar, West Ave., QC.
Dalawang babae at isang lalaki na pawang mga menor de edad ang nahuling nakikipag-sex sa tape. Sino sila, bakit nila ginawa yun at nasaan sila?
Ang mga katanungang ito ay pipiliting sagutin ng Co-Ed Scandal na tumatalakay sa mga usung-usong sex video na nilagyan ng elementong dokumentaryo.